Search This Blog

Lubos na lamang ang gulat ng dalagang ito noong malaman na amo niya pala ang nawawalang ama!

Ang pagpapamilya ay isang sakradong bagay na dapat ay isinasagawa lamang kapag handa na ang dalawang mag-asawa, upang makasigurado na magiging maayos ang kinabukasan ng kanilang magiging anak.

Si Diane ay lumaki sa isang simpleng pamilya. Maliit lamang ito sapagkat iniwan na sila ng kaniyang ama, mula nang siya ay maliit pa lamang. Hindi na rin niya maalala ang mukha nito dahil wala pa siyang muwang sa mundo nang ito ay lumisan.

Dahil sa hirap ng buhay, kinailangan ng ina ni Diane na magdoble kayod upang mabuhay siya at mapag-aral. Dahil doon, nagpursigi si Diane na makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.

Nais ng dalaga na masuklian any mga paghihirap na tiniis ng kaniyang ina upang maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Kaya naman nang makapagtapos siya sa pag-aaral ay daliang naghanap ng trabaho si Diane nang makatulong agad sa kaniyang ina.

Sa kabutihang palad, natanggap siya sa isang malaking kumpanya at doon ay nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay ni Diane at ng kaniyang pamilya. Mabilis siyang napromote sa trabaho dahil sa angking galing at sipag niya at lahat ng mga katrabaho ay kinagigiliwan siya.

Dahil sa galing at sipag na pinapamalas ni Diane sa trabaho ay natuwa sa kaniya ang may-ari ng kumpanya na kaniyang pinagtatrabahuan. Hiniling nito na makausap siya nang sa gayon ay mapuri ang kaniyang taglay na talento.

Nang maimbitahan si Diane sa opisina ng kaniyang boss ay nakangiti siyang lumapit dito. Ininterview siya nito tungkol sa mga bagay-bagay at doon niya napag-alaman na nawawala ang mag-ina nito at hindi niya makita kahit saan.

Kwento nito, noong kasagsagan ng kanilang kahirapan ay kinailangan niyang iwan ang mag-ina upang kumayod at humanap ng pera, ngunit pagbalik niya ay nawawala na ang mga ito at hindi na niya mahanap pa. Dagdag pa nito ay kaya niya binuo ang kumpanya ay upang mahanap ang kaniyang mag-ina.

Naantig si Diane sa narinig kaya naman nagkwento rin siya tungkol sa kaniyang ama na iniwan sila. Kahit pa ito ay umalis, sinabi ni Diane na umaasa siyang makikilala at makakasama niya ito. Ipinakita niya sa kaniyang boss ang kwintas na bigay umano ng kaniyang ama at nagulat ang kaniyang amo nang makita iyon.

Inilabas ng kaniyang amo ang kabilang kapares ng kwintas at doon niya napag-alaman na ang nawawalang anak pala ng kaniyang amo ay si Diane.

Niyakap ng kaniyang amo si Diane at humingi dito ng tawad. Ngumiti lamang ang dalaga at tumango dahil para sa dalaga ay mas mahalaga ang makasamang muli ang ama. Pinatawad niya ito at maluwag na tinanggap muli sa kaniyang buhay.

The post Lubos na lamang ang gulat ng dalagang ito noong malaman na amo niya pala ang nawawalang ama! appeared first on The Filipino Today.

No comments: