Search This Blog

Ivana Alawi, Ibinulgar Kung Paano Siya Pahiyain Ng Isang Kapamilya Tv Host Na Ito Noong Nagsisimula Pa Lang Ito Sa Showbiz

Ivana Alawi recalls the time where she got scolded and embarrassed by a famous Kapamilya TV host in front of other celebrities one time when figures into an ordeal with an artist during the show.

On her vlog, Ivana said that she used to look up to this TV host before the incident.

“Lagi ko siyang pinapanood nung bata ako, kaya idol na idol ko siya noon,”

When asked if she fought with another celeb, Ivana explained, “Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin,

“Pero ako, never akong nakipag-away sa kahit sinong artista, kasi kailangan mong rumespeto at kailangan mong makisama sa showbiz world.”

Added Ivana, the unpleasant encounter happened during the taping of her ABS CBN teleserye Sino ang May Sala?: Mea Culpa with Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, and Kit Thompson.

Revealed the Youtube star, “Nag-start kasi ako noon sa ABS, nagti-taping-taping… Nandun ako sa Sino ang May Sala, ‘tapos nagkaroon ako ng parang guesting, doon yun sa may ABS.

“Nagti-taping, ‘tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon, kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yon.

“So, yung kasama kong PA [personal assistant] lumabas siya, kasi hindi na siya kasya dun sa dressing room namin.

“And kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi, siyempre, kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, yung mga ganun…”

Then, Ivana’s personal assistant went to another dressing room to have a seat.

“Biglang may sumugod na batikang host, and then sumugod siya.” she said.

Added her, “Nung nakita ko, parang napangiti ako. ‘Tapos parang pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room, sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, ‘Hala!

“Sabi niya, ‘You, why are you…. your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!’ Ang dami niyang sinabi.

“‘Tapos parang naaalala ko yung reaction ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako nang sorry.

“’Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in.

“Ako yung inaway, and then, hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako, ‘tapos tumawag ako kay Mama.

“’Tapos sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na.’”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Ivana Alawi, Ibinulgar Kung Paano Siya Pahiyain Ng Isang Kapamilya Tv Host Na Ito Noong Nagsisimula Pa Lang Ito Sa Showbiz appeared first on The Filipino Today.

No comments: