Search This Blog

Isang Mayamang Among May Sakit, Ginulat Ang Kaniyang Kasambahay Matapos Sa Kaniya Ipamana Ang Yaman Imbis Na Sa Asawa!

Matagal nang naninilbihan si Anette bilang isang kasambahay sa pamilya Roxas. Sa itinagal ng kaniyang paglalagi ay pamilya na rin ang naging turing sa kaniya ng kaniyang mga naging alaga, maging ang kaniyang mga amo mismo.

Saksi rin siya kung paano mangulila ang kanilang mga anak sa nanay nitong madalas nasa labas upang mag shopping, gumala kasama ang kaniyang mga amiga at umastang dalaga.

Kung kaya naman hindi rin maikakaila na mas kinikilala pa siyang nanay ng kaniyang mga alaga kumpara sa mismong mommy nila.

At kahit si Mr. Roxas, na gayon na lamang ang pagmamahal sa asawa ay mulat sa katotohanang ito.

Kahit pa gaano kalalim ang pag ibig niya sa babae ay hindi niya ito kayang tumbasan, dahil bunga lamang ang kanilang pagsasama ng arranged marriage.

Kung kaya naman malaya pa ring nakapupunta kahit saan ang ginang kung saan niya nanaisin.

At heto, makalipas ang maraming taon, tumanda at nagkasakit si Mr. Roxas ngunit talagang labas sa loob ng misis niyang alagaan ito.

Kung kaya naman kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay mas pinili na lamang ni Anette na bantayan ang ginoo, upang masigurado na gagaling ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay mas lalong lumubha ang sitwasyon ng lalaki.

At tulad ng inaasahan, biglang naging maasikaso ang kaniyang asawa, hindi dahil gusto nitong bumawi kundi upang masigurado na sa kaniya mapupunta lahat ng mana.

Ngunit sa kabila ng pagbabalik loob nito ay bakas pa rin ang kaniyang pagkukunwari, kailanman ay hindi niya magagawang alagaan nang bukal sa puso ang asawa.

Sa huli, si Anette pa rin ang nag tiis at nagbigay ng kulay sa mga huling sandali ni Mr. Roxas bago ito pumanaw.

Sa sandaling ibinulgar na ng abogado ng namayapa kung kanino napunta ang halos lahat ng kayamanan niya ay hindi makapaniwala ang dalawang ginang.

Dahil sa kabila ng mahabang pinagsamahan nila ng mister, kay ibinuhos lahat ni Mr. Roxas ang kaniyang mga ari-arian kay Anette, ang babaeng nagbigay ng tunay na pagmamahal sa kanilang pamilya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Mayamang Among May Sakit, Ginulat Ang Kaniyang Kasambahay Matapos Sa Kaniya Ipamana Ang Yaman Imbis Na Sa Asawa! appeared first on The Filipino Today.

No comments: