Search This Blog

Batang Ipinagtabuyan Ng Mga Matapobreng Kamag-anak, Makalipas Ang Ilang Taon Nagsisi Sila

Mahirap man ang buhay ngunit malinaw kay Mari na hindi hikahos ang kaniyang pamilya pagdating sa pagmamahal. Ang kaniyang mga magulang, na hindi man nakapag tapo ng pag aaral ay nagawang bigyan sila ng hustong pag papangaral at sapat na pagkalinga magkapatid.

Kung kaya naman kahit madalas mapait ang sitwasyon nilang mag pamilya ay naisip na lamang ni Mari na pag butihin ang kaniyang pag aaral upang balang araw ay maiangat na niya sa hirap ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Ngunit nagbago ang lahat matapos maistrroke ang tatay ni Mari.

Salat na nga sa pera ay mas lalo pa silang nabaon sa utang magpamilya.

Kung kaya naman naisipan na ng musmos na manghingi ng tulong sa kaniyang tiyahin, na alam niyang nakagagaan ang buhay.

Alam niya na tila suntok sa buwan ang paghingi ng tulong sa kapatid ng kaniyang ina, dahil likas na matapobre kasi ang tiyahin niyang ito. Ngunit para sa pamilya ay nilunok niya ang takot at hiya upang magbakasali.

Ngunit sa kasamaang palad ay walang awa siyang pinagtabuyan ng kaniyang tiyahin at nilait-lait pa dahil sa kalagayan ng kaniyang pananamit!

Wasak ang puso ni Mari na umuwi sa kanilang bahay, ngunit mas pinili nitong kumayod habang nag aaral upang makatulong sa kaniyang ina na siyang tumutustos sa kanilag magpamilya.

Matapos ang maraming taon ng paghihirap at pagsasakripisyo ay naabot ni Mari ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag aaral at naging isang ganap na accountant.

Samantala ang kaniyang tiyahin, na dating nakaluluwag sa buhay ay nabaon sa utang dahil sa kanilang bisyong pag susugal mag asawa.

Natutunan na din nitong maging magpakumbaba at maging mas mabait upang pagpalain nang husto sa buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Batang Ipinagtabuyan Ng Mga Matapobreng Kamag-anak, Makalipas Ang Ilang Taon Nagsisi Sila appeared first on The Filipino Today.

No comments: