Isang Napakagandang Babae, Hindi Inaasahang Ng Lahat Matapos Niyang Pakasalan ang Kaniyang Mortal Na Kaaway!
Simula pa pagkabata ay itinuturing na ng ating bida na mortal na kaaway ang lalaking ito.
Itago na lamang natin siya sa pangalang Angelica.
Si Angelica ay isang magandang dilag na lumaki sa marangyang pamilya. Kung kaya naman hindi niya maikakali na may bahid ng pang aalipusta ang kaniyang pag uugali habang siya ay lumalaki.
Kung kaya naman lagi niya ring inaaway ang lalaki na si Jake, na may kapansanan sa balat at hindi normal gaya ng nakararami.
Ngunit hindi katulad ng iba ay palaban na tao si Jake, at hindi hinahayaan na basta-basta kawawain ng kung sino lamang.
Madalas mamataang nag tatalo ang dalawa, at kung minsan ay tungkol sa maliliit na bagay pa. Kung kaya naman sanay na rin ang kanilang mga kaibigan na makita na lagi silang nagbabangayan.
Ngunit gaya nga ng pamosong kasabihan na “the more you hate, the more you love” ay unti-unting naging malapit si Angelica kay Jake, at unti-unti ring nagbago ang pagtingin niya rito!
Hindi nagtagal ay napagtanto rin ni Angelica na iniibig na niya ang lalaki, ngunit kailangan niya munang humingi ng tawad sa lahat ng kaniyang mga ginawa laban dito.
Kalaunan ay natanggap rin ni Jake ang kaniyang nararamdaman at nagpasyang ligawan si Angelica.
At sa lubos na gulat ng kanilang mga barkada ay hindi naman sila hinusgahan ng mga ito. Bagkus ay ibinigay nila ang kanilang buong suporta para sa dalawa hanggang napag pasiyahan na nilang magpakasal.
Hanggang ngayon ay masaya pa ring namumuhay si Angelica at Jake bilang mag asawa. Wala mang anak ay masaya na sila sa piling ng isa’t isa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Isang Napakagandang Babae, Hindi Inaasahang Ng Lahat Matapos Niyang Pakasalan ang Kaniyang Mortal Na Kaaway! appeared first on The Filipino Today.
No comments: