Search This Blog

Babaeng madalas kutyain ang kanilang kapitbahay dahil sa maduming sinampay nito, napahiya matapos punain ng kanyang asawa!

Maagang nagpakasal si Kirby and Sasha dahil sa tagal na rin ng kanilang relasyon simula noong sila ay hayskul pa lamang.

Para sa dalawa ay hindi na dapat isipin na masyado pa silang bata para mag pakasal, dahil pareho naman silang may maayos na trabaho.

Si Kirby ay 23 pa lamang habang si Sasha ay 21, ngunit dahil natural na matalino at maaabilidad ang dalawa ay agad silang nakahanap ng maayos na trabaho na nagbibigay suporta sa kanilang dalawa.

Nakapag ipon na rin sila matapos ma promote si Sasha sa trabaho, dahilan upang makabili sila ng bahay.

Ngunit katagal ay napapansin ni Kirby na tila nag babago paunti-unti ang kaniyang asawa.

Hindi man niya maamin ay dama niya na tila yumabang ito, at wala nang gustoong pakinggan kundi ang kaniyang mga opinyon.

Pansin din nito na madalas niyang siraan ang kaniyang mga katrabaho, at masayang ikinukwento pa ito kay Kirby.

Ngunit ang hindi matiis ng lalaki ay ang halos araw-araw na pag puna ng asawa sa mga sampayin ng kanilang kapitbahay, na madalas tinutulungan ng lalaki upang mahango.

Matandang byuda na kasi ang may ari nito ngunit sa kabila ng katandaan ay mas pinipili pa rin niyang kumilos at gumawa ng gawain bahay, katulad ng paglalaba.

Kung kaya naman dahil mas maagang natatapos sa trabaho ay nakakapag laan si Kirby ng oras upang kaibiganin ang matanda at tulungan ito sa kaniyang bahay.

Isang araw, hindi na natiis ni Kirby ang biglang kamalditahan at kayabangan ng asawa.

Matapos niyang ipaliwanag ang kalagayan ng kanilang kapitbahay at punain ang biglaang pagbabago nito ay hindi makapaniwala si Sasha sa narinig.

Ngunit mas lalong nadurog ang puso ng babae matapos niyang marinig na gusto munang makipag hiwalay ng lalaki dahil hindi na siya ang Sasha na dating kilala nito.


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Babaeng madalas kutyain ang kanilang kapitbahay dahil sa maduming sinampay nito, napahiya matapos punain ng kanyang asawa! appeared first on The Filipino Today.

No comments: