Batikang Direktor, Tuluyang Namaalam na Ikinalungkot ng Lahat
Sinubaybayan ng sambayanan ang programang “Pepito Manaloto.” Dahil sa nakaka-inspire na kwento nito, hindi na nakakapagtaka kung bakit naging malapit ito sa puso ng mga televiewers. Kaya naman sa pagpanaw ng batikang direktor nito, buong sambayanan rin ang nagluksa.
Kamakailan lang ay tuluyan nang namaalam ang beteranong direktor na si Direk Bert de Leon. Siya ang direktor ng weekly sitcom na “Pepito Manaloto” at ng prequel nito na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento.” Ibinalita ng kanyang mga mahal sa buhay ang pagpanaw ng batikang direktor.
Sa kanyang interview sa GMA News Online, ibinahagi ng pamangkin ni Direk Bert na si Jonna de Leon na pumanaw na ang kanilang tiyuhin. Ayon sa kanya, buong pamilya nila ang nagluluksa sa pagpanaw nito. Ibinahagi rin nila ang kanilang kalungkutan sa biglaang pangyayaring ito.
Kilala si Direk Bert sa larangan ng entertainment, ngunit kilala rin siya ng kanyang mga mahal sa buhay bilang isang mabuting tao.
“Mahal na mahal kita tito, mahal na mahal ka namin dito. Ang sakit sobra, napakalungkot ng paglisan mo pero makakapag pahinga ka na. “I’m so sorry that you’ve been through a lot of pain bago ka umalis.. You’ve had a great fight Tito,” pahayag ni Jenna sa kanyang tribute.
Bukod pa dito, nagpasalamat rin siya sa kanyang pumanaw na tiyuhin dahil sa kabutihang loob nito. Kahit kailan daw ay hindi siya pinabayaan nito, at talaga namang busilak ang puso ni Direk Bert.
“Thank you for all the love and care you’ve given to my family mostly sa aming Ina.. Never mo kami pinabayaan and I’m so sorry na wala kami sa tabi mo to help you but we prayed a lot for your healing tito.”
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Batikang Direktor, Tuluyang Namaalam na Ikinalungkot ng Lahat appeared first on The Filipino Today.
No comments: