Search This Blog

Isang sikat na aktre, nanganak na na hindi alam ng marami!

Para sa isang babae, isa sa pinakamasayang araw ng buhay nila ay ang pagiging ina. Walang mas makakahigit sa tuwa at galak matapos mong ligtas na maisilang ang iyong anak.

Kaya naman nararapat lang na i-celebrate ang araw na ito. Kamakailan lang, labis ang tuwa ng celebrity couple na sina Nikki Gil at BJ Albert matapos isilang ang kanilang pangalawang anak.

Talagang napakabilis ng panahon! Matatandaang noong April 2021 lamang nang ibahagi ng dating aktres at host na si Nikki Gil na buntis siya sa 2nd baby nila ng kanyang mister. Ilang taon rin ang agwat nila ng kanyang panganay na si Flinn, kaya naman talagang excited ito na magkaroon ng baby sister!

Noong October 10, ibinahagi ni Nikki sa Instagram na ligtas niyang naisilang ang kanilang baby girl. Ayon kay Nikki, tuwang-tuwa sila ng kanyang asawang si BJ dahil ligtas ang panganganak niya at healthy ang kanilang bunsong anak. Nanganak si Nikki sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

“Our little miss Madeleine Elle arrived a few days ago. And we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddien,” mensahe ni Nikki sa kanyang official Instagram page.

Nagbahagi rin ang aktres ng kauna-unahang larawan ni Baby Madeline, kung saan makikitang nasa loob pa sila ng delivery room kasama ang kanyang asawa.

Ayon sa mga netizens, talagang napakacute ng second baby ni Nikki at Albert. Maraming celebrities rin ang nagpahatid ng kanilang pagbati para sa dalawa.

Kabilang na doon sina Marian Rivera, Isabel Oli, Anne Curtis, Shaina Magdayao, Cheska Kramer, Andi Manzano, Kaye Abad, at marami pang iba.

Limang taon na rin ang nakalilipas matapos iwanan ni Nikki Gil ang showbiz upang bumuo ng kanyang pamilya. Ikinasal sila ni BJ noong taong 2015, at 2017 naman nang i-welcome nila ang kanilang panganay.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Isang sikat na aktre, nanganak na na hindi alam ng marami! appeared first on The Filipino Today.

No comments: