Search This Blog

“Ang Plastik”- Saloobin ni Vice Ganda sa Paglipat ng Network ni Direk Bobet, Usap-usapan ngayon ng marami

Matapos ang mahigit isang dekadang serbisyo, tuluyan nang iniwan ni Direk Bobet Vidanes ang kanyang home network na ABS-CBN. Matatandaang noong Nobyembre 2020 lamang nang inanunsyo ni Direk Bobet na lilipat na siya ng network. Bago ito, ilang Kapamilya program na rin ang ginabayan niya, kabilang na ang sikat na noontime show na “It’s Showtime.”

Ayon kay Direk Bobet, lilipat na siya sa TV 5 sa bagong programa nito na “Lunch Out Loud.” Isa lang si Direk Bobet sa maraming artista at staff na lumipat na sa ibang network matapos ang pagsasara ng ABS-CBN. Masakit man sa kanya, kinailangan niyang lumipat ng ibang network dahil sa ‘personal’ reasons.

Ngunit mukhang hindi lahat ay tanggap ang rason na ito ni Direk Bobet. Kabilang na sa kanila ang comedian at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda. Sa kanyang nagdaang interview kay Ryan Bang, ibinahagi ni Vice ang saloobin niya sa biglaang paglipat ng network ni Direk Bobet, na 11 years rin nilang naka-trabaho.

“Tinext ko siya para usap kami, para lang maintindihan ko, di ba? Hindi niya ako sinagot. Para alam ko man lang, o alam man lang natin yung totoong rason. Kasi yung rason, yung sinabi niya sa management. Pero personal, wala naman siyang kinausap satin diba? Parang nakakagulat lang, after 11 years.”

Dagdag pa ni Vice Ganda, hindi mapigilang sumama ang loob niya matapos malaman ang biglaang pag-alis nito. Sinubukan niya rin daw mag reach out kay Direk Bobet, para malaman kung may maaari siyang itulong dito, ngunit sa kasamaang palad ay wala raw siyang natanggap na reply mula dito.

“Kung talagang family tayo, kung napag-usapan, baka nagawan ng paraan. Baka natulungan natin ang isa’t-isa, di ba? Kung may pinagdadaanan siya noon, baka nakagawa tayo ng paraan. Pero ‘yun lang din, nakaka… ang plastik pag sinabing hindi ako na-offend,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

Ayon naman kay Direk Bobet, ang pag-alis sa ABS-CBN ang isa sa mga pinakamahirap na desisyon sa kanyang career.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post “Ang Plastik”- Saloobin ni Vice Ganda sa Paglipat ng Network ni Direk Bobet, Usap-usapan ngayon ng marami appeared first on The Filipino Today.

No comments: