Walang pumunta sa bday ng batang ito dahil sa kaniyang autism, ngunit hindi nila inasahan ang nangyari
Ito ay ang buwan ng kaarawan ni Glenn Buratti. Siya ay tutuntong na sa kaniyang ika-anim na taong gulang, at ang kanyang ina na si Ashlee ay naghanda sa kanya ng isang birthday party bilang selebrasyon— ngunit wala naman ni isang bisita ang nagpakita at dumalo.
Nagpadala si Ashlee ng mga paanyaya sa labing-anim na mga kaklase ni Glenn, at kahit na wala ni isa sa kanila ang RSVP’d, inisip ni Ashlee na kahit papaano, sa labing-anim na mga bata, ay may magpapakita pa rin kahit papaano.
Masaya sa kanyang pagdiriwang, patuloy na tinatanong ni Glenn ang kanyang ina kung kailan makakarating ang kanyang mga kaibigan. Nang malapit na ang pagsisimula ng pagdiriwang, malinaw na sa mga magulang ni Glenn walang darating. Unti-unti na ring nakikita ang kalungkutan sa mga mata ng batang may kaarawan.
Dahil sa kagustuhan na mapasaya ang hinandang selebrasyon para sa kanyang anak na lalaki, gumawa si Ashlee ng isang lokal na pahina sa Facebook upang magpalabas ng tungkol sa kanyang pagkabigo.
“Ang puso ko ay nadurog para sa aking anak. Inimbitahan namin ang buong klase (labing-anim na mga bata) para sa kanyang ika-anim na kaarawan sa ngayon. Walang isang bata ang dumating. ” Pahayag ni Ashlee sa kaniyang Facebook post.
Ang kaniyang post ay agad na nakakuha ng nakahihikayat na puna at suporta. At matapos lamang ang ilang sandali, ang mga bata mula sa pamayanan at kanilang mga magulang ay nagsimulang magsidatingan sa kanyang bahay, may mga dalang regalo para kay Glenn at masayang binati ito para sa kaniyang kaarawan.
Nang magpakita ang Kagawaran ng Sheriff ng Osceola County upang batiin si Glenn, naging malinaw na nai-save ang kaarawan ng bata dahil sa mga pakulo ng mga ito. Inayos pa ng pulisya ang isang helikopter upang lumipad sa tabi ng bahay ng Buratti at umikot ng tatlong beses upang ipaalam na naroon ito para sa kaarawan ni Glenn. Pinasakay si Glenn sa balikat ng isang kaibigan upang makakaway siya dito habang nakangiti ng maluwag.
Ang kwentong ito ay hindi nagtatapos doon. Ilang araw pagkatapos ng pagdiriwang, nagpatuloy ang kabaitan ng himpilan ng pulisya. Ang mga pulis, bumbero at kanilang mga trak, at maging ang mga aso ng pulisya ay dumating sa bahay ni Glenn, na nagdadala ng mas maraming regalo.
Nang lumapit si Glenn at ang kanyang ina sa kanilang garahe, nakita ng mga ito ang mga firetruck, kaya’t tila medyo nag-alala si Glenn – ngunit ngumiti ang kanyang ina at sinabi sa kanya, “Okay lang! Nandyan sila upang sabihin sa iyo ang maligayang kaarawan!” Bagay na ikinatuwa naman ni Glenn.
Hindi pa rin nakakausap ni Ashlee ang mga magulang o anak na naimbitahan, ngunit ang pagbuhos ng suporta mula sa kanyang pamayanan ay maituturing na isang tunay na regalo para sa kaniyang anak.
“Tunay na kamangha-mangha na ang lahat ay nagsasama-sama para sa isang tao na hindi nila kilala. Isang bata na walang sinuman ang dumating sa kanyang birthday party- ito ang nagpaantig sa aking puso,” nakangiting sabi ni Ashlee sa isang panayam.
The post Walang pumunta sa bday ng batang ito dahil sa kaniyang autism, ngunit hindi nila inasahan ang nangyari appeared first on The Filipino Today.
No comments: