Sa halip na suportahan ay pinagtawanan pa siya dahil sa kaniyang pagtatanim! Hindi nila akalain an ganito ang mangyayari
Taliwas sa pananaw ng kaniyang ibang mga kaibigan, lalo ng kaniyang mga kamag anak, ang pagiging masaya ay hindi nababase sa pera at yaman na mayroon ka.
Dahil para kay Top, ang tunay na kasiyahan ay makakamit lamang kung mayroon kang kapayapaan hindi lang sa iyong kapaligiran, kung hindi sa iyong sarili mismo.
Kung kaya naman kahit tapos ng engineering ang binata ay pangarap niyang maging isang magsasaka at tumira sa bukid.
Ayos lang para sa kaniya ang mag isa, ang mahalaga ay makakapag tanim siya at maalagaan ang mga ito, na sigurado siyang makakapagdala sa kaniya ng kakaibang kasiyahan sa buhay.
Ngunit noong minsan niya itong ibinahagi sa kaniyang mga kaibigan ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
“Grabe ka naman Top, engineer ka na, tapos gusto mo pang maging magsasasak? Anong klaseng kamangmangan naman iyang naiisip mo? Maayos ang buhay mo rito sa Maynila. May magara kang bahay, kotse, at kung tutuusin ay kahit sinong babae ay papayag na sumama sa iyo dahil sa ganda ng buhay mo. Bakit naman gusto mo mag bukid?” yan ang palaging sinasabi ng kaniyang matalik na kaibigang si Allen, na talagang hindi maintindihan ang konsepto ng pag uutak ng kaibigan.
Ngunit sa kabila ng pagtutol ay itinuloy pa rin ni Top ang kaniyang plano.
Hindi nagtagal ay lumawak ang kaniyang sakahan, hanggang sa naging matagumpay na rin ang kaniyang negosyo sa probinsya.
Ang simpleng pangarap ni Top ay nagbunga pa ng mas magandang buhay at disposisyon sa kaniyang kalusugan, kung kaya naman hindi niya pinag sisisihan na ipinagpalit niya ang lahat para sa ganitong klaseng buhay.
Malayo sa modernong mundo, ngunit malapit sa kapayapaan ng kaniyang puso.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Sa halip na suportahan ay pinagtawanan pa siya dahil sa kaniyang pagtatanim! Hindi nila akalain an ganito ang mangyayari appeared first on The Filipino Today.
No comments: