Isang lolo, tuluyang namuhay sa lansangan matapos maghirap dahil sa kababayad ng tuition ng apo
Tunay ngang hindi matutumbasan ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak o apo. Ang pagmamahal na handang isugal ang lahat ng meron sila para lang mapunan ang pangangailangan mo, ‘ko o natin.
Isang lolo ang ipinakita kung gaano kahalaga ang kanyang apo ng ipagbili niya ang kaisa-isang bagay na meron siya.
Pagkagising na pagkagising ay agad na nagbihis si Mang Nestor upang maghanap ng tao o bangko na handang bumili sa kanyang lupa’t bahay.

“Nestor saan ang iyong punta?” Tanong ni Mang Jun nang makita si Mang Nestor na nagmamadali sa paglalakdad.
“May hahanapin lang Jun, oh siya maun na ako ha.” sagot nito at agad na iniwan ang kumpare.
Sa ilalim ng araw ay patuloy lang sa paglalakad si Mang Nestor. Nilapitan na niya ang lahat ng pwedeng lapitan maibenta lang ang lupa’t bahay para sa tuition ng kanyang apong wala ng magulang. Simula nangm maghiwalay ang magulang ng kanyang apo ay siya na ang tumayong ama’t ina.

Tanging bangko na lang ang kanyang pag-asa upang maibenta ang bahay. Walang pag-aalinlangan ay pumunta ito sa bangko at ipinakita ang titulo ng lupa’t bahay. Sa hinaba-haba ng transaction ay naibenta na ni Mang Nestor ang kaisa-isang bagay na meron na lang siya. Pagkakuha ng bayad ay agad nitong tinawagan ang apo.
“Nak, may pang tuition ka na, paano ko ba ipapadala sa iyo ito?” tanong ng matanda. Ipinaliwanag ng apo kung paano at kalauna’y naipadala na ang pera.
May sapat na perang natira ang hawak ni Mang Nestor upang ipang upa ng bahay para may matulugan ngunit, ang perang iyon ay mas pinili niyang huwag gastusin at ipatago na lamang.

Ilang lingo ang makalipas ay nakapag enroll na ang kanyang apo, isang taon na lamang ay makapagtatapos na ito. habang patuloy sa pag-aaral ang kaniyang apo ay gulat naman ang tumambad sa kanilang mga kakilala. Ang Mang Nestor na kilala nila ay sa kalsada na natutulog bitbit ang mga gamit na kaya niyang isama sa pang araw-araw. Ang mga taong malalpit sa kanya ay isa-isang gumawa ng aksyon nang mabalitaan ang sitwasyon ng matanda.
Tunay na kakaiba magmahal ang mga magulang, sabi nga nila tungkol dito “isusubo na lang nila ipapakain pa sa’yo”. Handang isakripisyo at mahirapan maibigay lang ang sa tingin nilang dapat na para sa atin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang lolo, tuluyang namuhay sa lansangan matapos maghirap dahil sa kababayad ng tuition ng apo appeared first on The Filipino Today.

No comments: