Search This Blog

Pokwang, may inamin tungkol sa kaniyang buhay na hindi inasahan ng lahat

Actress and comedienne Pokwang recalls her struggles being in a big and poor family.

In her exclusive interview with Cabinet Files, the actress revealed that she and 10 siblings had a hard time growing up.

“Ang nanay ko kapag nadighayan, nabubuntis,” she joked.

Added her, “Ay, Lord, masyadong makulay ang aming buhay, very challenging. Hindi ko nga alam kung mabubuhay kami noong araw dahil sa dami namin.

“Kasi, imagine, dose kaming anak, plus si Nanay at si Tatay—katorse kami sa bahay.

“E, maagang nawalan ng trabaho si Tatay kaya nagkanya-kanya kaming diskarte sa buhay. Nagtinda kami ng kung ano-ano, naglako sa palengke, nagtinda sa simbahan.

“Pagkagaling sa school, palitan kami. Yung pang-umaga, yun ang magtitinda sa hapon. Yung panghapon, yun ang magtitinda sa umaga.

“Kaya dito sa simbahan ng Antipolo, batang patio ako sa simbahan.”

Due to poverty, she and her siblings also have to alternate their schooling in order to make sure that all of them can learn how to read and write.

“Nag-survive kami kahit papaano, mga 1980 kami lumipat sa Antipolo, hanggang ngayon dito pa rin kami.

“Hindi ko alam kung paano kami makaka-survive talaga, mahirap kasi pagkakasyahin mo yung pagkain.

“Yung pag-aaral namin, alternate din. Hihinto muna yung iba, pagbibigyan muna yung mas nakababata.

“Nag-abot-abot nga kami nung Grade VI. Apat kami na sabay-sabay nag-graduate kasi kailangan namin magbigay ng daan sa mas nakababata.

“So, kailangan mong huminto muna. Tapos yung mga pinagliitan na damit, ipapasa mo sa mga kapatid mo na mas bata.

“Kumbaga, talagang ang higpit ng aming pamumuhay.

“Okay lang, yung mga challenge na nangyari sa buhay ko noong mga bata pa kami, ito yung nagpapatatag sa akin sa kung ano ako ngayon.”

But at 16 years old, driven by her desire to give her family a good life, Pokwang made a careless decision that almost gave her mother a heart attack.

“Nagsinungaling ako sa kanila nung pumunta ako sa Japan.

“Menor de edad ako noon, hindi nila alam na nagpa-practice na ako ng Japan-Japan.

“Mga sixteen years-old ako, finorward lang yung edad ko kasi kailangan ko nang umalis.

“Gusto kong makatulong sa pamilya dahil nakikita ko yung kahirapan. ‘Ano ba itong buhay ko, parang wala nang pag-asa?’

“Nagsinungaling talaga ako sa kanila. Ang alam nila nag-aaral ako sa Rizal High School sa Caniogan, Pasig.

“Ang hindi nila alam, ang laman ng bag ko, e, pang-rehearsal ng Japan-Japan.”

She pushed through in being an OFW, and that’s how Pokwang started as an entertainer.

“Yun ang nakita ko na super na-stress sila sa ginawa ko. Sabi ko, ‘Pasensiya na pero kailangan ko nang gawin ito. Gusto kong makatulong.'”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Pokwang, may inamin tungkol sa kaniyang buhay na hindi inasahan ng lahat appeared first on The Filipino Today.

No comments: