Isang dilag na lumaki sa bukid, ginulat ang lahat matapos manalo bilang beauty queen
Laking bukid si Anne kung kaya naman sa murang edad ay agad na siyang natutong magsaka.
Maaga siyang namulat sa hirap ng buhay, kung kaya naman madalas siyang matatagpuan sa putikan habang sinusubukang magtanim upang matulungan ang kaniyang mga magulang.

Dahil naman sa kaniyang trabaho ay wala ng oras si Anne sa sarili, ngunit hindi maipagkakaila na talagang natural na maganda nag dilag.
Ngunit dahil nga madalas na may takip ang mukha nito ay bibihira lang ang mga nakakakita ng angkin niyang ganda, at isa na rito si Nadia, ang matalik niyang kaibigan.

Sa kasamaang palad ay lingid sa kaalaman ni Anne na may itinatagong inggit si Nadia sa kaniya kung kaya naman madalas niyang kinukumbinsi ang dalaga na magtakip na lamang ng mukha upang walang masyadong makakita sa kaniya.
Isang araw ay mag isang namimili si Anne sa bayan noong makita siya ni Ferrer, isang talent manager na kasalukuyang naghahanap ng dilag na pwedeng maging kandidata ng taunang paligsahan ng ganda sa kanilang lugar.

Talaga namang nabighani si Ferrer sa mukha ni Anne kung kaya naman ginawa niya ang lahat upang makumbinsi itong sumali sa patimpalak, hanggang sa kalaunan ay pumayag na rin ang dalaga.
Kung kaya naman ganoon na lamang ang gulat ng mga residente ng kanilang lugar noong makita nila si Anne na nakagayak, naka ayos ang buhok at talaga namang napaka ganda ng dating!

Hindi rin nila inaasahan na napaka ganda ng boses ng dilag, na siya namang nakapag panalo sa kaniya.

Samantalang si Nadia ay walang mapag lagyan ang inis dahil sa kaniyang nasaksihan, dahil pati ang mga kalalakihan sa kanilang lugar ay talaga naman nahumaling kay Anne.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang dilag na lumaki sa bukid, ginulat ang lahat matapos manalo bilang beauty queen appeared first on The Filipino Today.

No comments: