Isang waitress, nasisante sa trabaho matapos sawayin ang isang gobernador na walang face mask
Si Rosa ay mula sa isang mahirap na pamilya. Sa murang edad ay natuto nang magbanat ng buto. Raket dito, raket doon na tila ba manok sa isang kahig isang tuka ang takbo ng kanilang buhay.
Kinagabihan matapos ang isang raket habang salu-salong kumakain ang mag-anak sa hapag ay biglang nagsalita si Rosa.
“Ma, nais kong makikipagsapalaran ako sa Maynila” desidido at pinal nitong sabi sa ina. Wala itong nagawa ang kundi sumang-ayon na rin sa desisyon ng kanyang anak dahil sa hirap ng buhay.

Huwebes ng umaga ay agad nag ayos ng gamit si Rosa na dadalhin niya papunta sa Maynila. dahil sa kahirapan at kasalatan sa buhay ay kokonti lamang ang gamit na kanyang madadala.
Dumating ang jeep na sasabayan ni Rosa papuntang Maynila, jeep na hahakot ng kalakal sa Divisoria. Medyo naging maramdamin ang paghihiwalay ng mag-anak ng nagsimula na itong magpaalam sa kanyang pamilya. Ilang minuto ang itinagal ng pagpapaalam sa isa’t-isa at tuluyan nang umalis si Rosa.

Pagkarating na pagkarating sa Maynila ay agad nakita ni Rosa ang kartulang “Hiring Waitress” sa isang restaurant. Agad itong pumasok at nag apply bitbit ang bio data na dala simula ng umalis sa probinsya.
“You’re hired!” sambit ng manager. agad itong natanggap dahil dalawa ang umalis sa restaurant na iyon dalawang araw bago dumating si Rosa.Naging maganda ang simula niya sa trabaho, halos lahat ay nakasundo niya dahil sa kabutihan at maayos na pakikisama nito.
Isang araw ay nagulat si Rosa sa reaksyon ng kanyang mga katrabaho nang pumasok ang isang lalaki na walang face mask ngunit nirerespeto at pinagsilbihan pa rin ng mga ito sa kabila non. Nilapitan niya ito at kinausap ng maayos.
“Paumanhin Sir, ngunit kailangan niyo pong sumunod sa protocal’ maamong sambit ni Rosa.

Ang ginawa ni ROsa ay ikinagulat at ikina pantig ng tainga nito. Sinigawan nito si Rosa at sinabihang lumayas sa restaurant na pinagtatrauhan nito. Nagsilapitan ang mga katrabaho niya at agad na sinamahan siya pabalik sa kusina. Mababakas sa mukha ni Rosa ang pagtataka kung bakit ganuon ang sinabi ng lalaki.
” Hindi mo dapat ginawa iyon Rosa, kung bakit nakalimutan naming agad sabihin sa iyo.” usal ng isa sa kaniyang mga kasama.
Di kalaunan ay napag-alaman ni Rosa na ang lalaking kanyang kinompronta ay ang nag-iisang anak ng may-ari ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan. Ang lalaking ito ay nasusunod ang lahat ng gusto, ang tagapag mana ng restaurant. Ang career ni Rosa bilang isang waitress ay nagtapos sa isang iglap dahil lamang sa kanaisan niyang masunod ang protocol.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang waitress, nasisante sa trabaho matapos sawayin ang isang gobernador na walang face mask appeared first on The Filipino Today.

No comments: