Search This Blog

Isang anak na may sama ng loob sa kaniyang ina matapos siyang iwan nito, nalaman ang tunay na rason kung bakit

Matagal nang alam ni Maria ang totoo, ngunit hindi pa rin maalis sa puso niya ang galit sa kaniyang ina na iniwan siya dahil sa kahirapan.

Lumaki siyang kasama ang kaniyang ama na walang ibang ginawa kung hindi uminom at saktan siya tuwing nalalasing ito.
Palagi nitong sinasabi na pinili ng kaniyang ina ang magandang buhay, imbis na alagaan sila.

Kung kaya naman kahit lasinggero ang kaniyang ama ay hindi niya rin ito maiwan dahil alam niyang sila na lamang ang ang natitirang magkasanga.

Isang araw, hindi inaasahan ni Maria na makabangga ang isang babaeng agad na nakilala kung sino siya.
Sa lubos na pagtataka ay agad siyang nagtanong kung sino ito, at napag alaman niyang ito ang kaniyang tita at ninang, ang kapatid ng kaniyang ina!

Unang pumasok sa isip ni Maria ang ipagtabuyan ito, ngunit naisip ng dalaga na bagkus ito na ang pagkakataon upang malaman niya kung asan ang kaniyang nanay.

Sabi ng kaniyang tiyahin ay agad niyang nakilala si Maria dahil walang dudang kamukhang kamukha ito ng kaniyang ama.
Paliwang nito, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na iwan si Farah dahil matagal na nitong pangarap ang maging magulang katulad niya.

Ilang beses na sinubukan ng kaniyang ina na bawiin si Maria ngunit lagi itong pinagbabantaan ng kaniyang ama, at doon na nagtago tago ang lalaki kasama ang kaniyang anak upang hindi na sila matunton dalawa.


Labis ang pang lulumo ng dalaga matapos malaman ang katotohanan.

Sa sobrang galit niya sa ginawang kasakiman ng kaniyang ama ay walang pag aatubiling umalis ang dalaga sa puder nito at sumama sa kaniyang tiyahin, na binigyan siya ng trabaho upang makapag simulang muli.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang anak na may sama ng loob sa kaniyang ina matapos siyang iwan nito, nalaman ang tunay na rason kung bakit appeared first on The Filipino Today.

No comments: