KINWESTYON NG ALE ANG DALAWANG LALAKING MAG-ASAWA NA MAY INAMPONG BATANG BABAE, NGUNIT IPINAGTANGGOL SILA NG TAONG HINDI NILA INAASAHAN!
Halos siyam na taon na ring nag mamahalan ang mag asawang si Russel at Ian, at kahit taliwas man ang paniniwala ng nakararami sa pag iibigan nila ay hindi ito naging hadlang upang umangat sila sa buhay at maging masaya.
Kolehiyo noong nagkakilala ang dalawa. Magkaklase sila sa isang klase sa Biology at namangha si Russel sa katalinuhang taglay ni Ian.
Mula noon ay naging malapit na magkaibigan sila, hanggang sa naging magkarelasyon at napag desisyunang magpakasal sa ibang bansa.

At dahil legal na rin doon ang pag aampon ng mga same sex couple ay matutupad na rin ang matagal na pangarap ni Russel na maging ama.
Likas din namang mahilig sa bata si Ian kung kaya naman talagang excited ang dalawa na madagdagan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.
At doon dumating sa buhay nila si Rose, dalawang taong gulang, inabandona ng mga magulang sa bahay ampunan na walang saplot at sobra sa kapayatan.

Ayon pa sa pamahalaan ng ampunan ay maaga ring namulat sa abuso ang bata, kung kaya naman nangangailangan ito ng matinding pagmamahal.
At iyon ng ang ginawa ng mag asawa. Pinunan nila ang lahat ng pagkukulang ni Rose, hanggang sa ito ay naging napaka lusog at masayahing bata.
Pitong taong gulang na si Rose aat madalas pa ring makatanggap ng diskriminasyon ang kaniyang mga magulang dahil sa klase ng pamilya na meron sila.

Minsan ay isang ale ang namahiya sa dalawa, at sinabing kailanman ay hindi magiging masaya ang bata na walang ina, ngunit hindi pa man nakakapag salita si Ian a Russel ay agad na silang pinagtanggol ng mga taong nakarinig sa komosyon.
Isa na rito ang mismong pari ng kanilang bayan, na naging saksi ng pag-aalaga ng dalawa kay Rose.
“Kinupkop at minahal nila ang isang bata na walang awang binugbugbog at inabandona ng kaniyang mga lasinggerong magulang, para sa akin ay kailanman hindi magiging kasalanan ay pagpapalaganap ng pag ibig at pagbibingay pag-asa sa buhay ng isang inosenteng bata.” ani nito.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post KINWESTYON NG ALE ANG DALAWANG LALAKING MAG-ASAWA NA MAY INAMPONG BATANG BABAE, NGUNIT IPINAGTANGGOL SILA NG TAONG HINDI NILA INAASAHAN! appeared first on The Filipino Today.

No comments: