Babaeng Empleyado Na Madalas Hamakin Ng Kaniyang Boss Dahil Sa Kaniyang Itsura, May Kakaibang Ganti!
Matagal ng nagtatrabaho si Lucy sa kompanya ng kaniyang boss na si Emil, at simula pa man noon ay madalas na siyang pinupuntirya ng lalaki dahil hindi mahilig mag ayos ang dalagang ito.
Lagi siyang sinasabihan na “mas maganda sana siya” kung maisipan niyang mag make-up, magpa payat, at ngumiti nang mas madalas dahil hindi aniya kaaya-aya na nakasimangot lamang ang babae sa buong araw ng kaniyang shift.
Para kay Lucy, ano pa nga ba ang dahilan upang ngumiti kung araw-araw lamang siyang hinahamak ng kaniyang boss, na naging dahilan na rin upang maging tampulan siya ng tukso ng kaniyang mga katrabaho?

Isang araw, habang nasa isang company trip sila ay hindi inaasahan ni Lucy na mararanasan niya ang isa sa pinaka masakit na pangyayaring yuyurak sa pagka babae niyaa.
Dahil si Emil, na lasing na lasing ay ginawa siyang sentro ng katatawanan matapos pansinin ang kaniyang timbang at kulay ng balat.
Wala nang nasabi si Lucy at tumakbo na lamang siya palayo, bitbit ang galit na dala niya sa napaka walang kwentang boss na mayroon siya.

Kung mayroon lamang ibang mga kompanyang tatanggap sa kaniya na may parehong sahod na ibinibigay sa kaniya ni Emil ay matagal na siyang umalis.
Ngunit dahil hindi ito maari ay naisipan na lamang niyang gantihan ito sa paraang hindi niya inaasahan.
Dahil nga malapit din siya sa pamilya nito ay naisipan niyang isend ang lahat ng pruweba ng pang babae ni Emil sa kaniyang asawa nitong mga nakaraang buwan, upang mawakasan na rin ang pang lolokong ginagawa niya sa kaniyang napaka gandang asawa.

Kinabukasan ay bakas ang pag aalala ng kaniyang boss na kababangon lamang mula sa mahabang tulog, umuwi nang mas maaga kaysa sa kaniyang mga katrabaho upang harapin ang kaniyang asawang galit na galit dahil nabunyag na ang kaniyang kalokohan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”
The post Babaeng Empleyado Na Madalas Hamakin Ng Kaniyang Boss Dahil Sa Kaniyang Itsura, May Kakaibang Ganti! appeared first on The Filipino Today.

No comments: