Search This Blog

Isang Binata, Umantig Sa Puso Ng Nakararami Matapos Tulungan Ang Batang Ito Na May Malubhang Sakit!

Hindi ganoon kayaman si Yael, ngunit sapat naman ang sinasahod niya upang matustusan ang araw-araw niyang pangangailangan sa buhay.

Ang ina naman niya na siyang kasama siya simula noong lumaki ay yumao na rin tatlong taon na ang nakalilipas, kung kaya naman mag-isa na lang siya sa kanilang bahay.

Para kay Yael, gumigising lamang siya dahil ito ang laan ng tadhana, ngunit wala na siyang ibang rason upang mabuhay pa.

Wala na rin naman ang kaniyang ina na nagbibigay inspirasyon sa kaniya.

Isang araw, habang papunta sa trabaho ay nakabangga ni Yael ang isang ina na tulak-tulak ang anak niyang naka wheel chair.

Mataapos humingi ng dispensa ay hindi napigilang tanungin ng binata kung ano ang sakit ng bata, at nagulat si Yael sa nalaman.

May leukemia ito, kagayang-kagaya ng sakit ng kaniyang ina.

Alam niyang mahuhuli na siya sa trabaho ngunit napag desisyunan niya pa ring akayin ang mag ina papuntang ospital, dahil napaka rami ng bitbit nilang bag.

Nalaman din niya ang pangalan ng bata, si Jerome, na sana ay sasalang na sa kaniyang unang baitang ng pag aaral.

Mula noon ay naging kaibigan na niya si Jerome, at natatagpuan na lamang niya ang sariling palaging dumadalaw sa ospital upang makipag laro rito.

Alam niyang nilalapit lamang niya ang sarili sa pighati dahil sa bingit ng kalagayan ni Jerome, ngunit napag desisyunan niyang suportahan ang mag ina sa gastusin nito at pangunahan ang mga fund raising drive upang tuluyang matustusan ang gamutan ni Jerome.

Naging isang ganap na kuya siya ng bata, at nakahanap niya ng pamilya sa mag ina.

Ilang taon din ang itinagal ng pakikipag laban ni Jerome ngunit sa wakas ay nairaos niya rin ito, at tuluyan na siyang gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Binata, Umantig Sa Puso Ng Nakararami Matapos Tulungan Ang Batang Ito Na May Malubhang Sakit! appeared first on The Filipino Today.

No comments: