Isang babaeng napakaganda, napili ang napakawalang kwentang lalaki sa lahat ng kanyang manliligaw! Bakit kaya?
May mga bagay talaga tayong mahirap unawain, at para kay Lea, ang dahilan ng pananatili ng kaibigan niyang si Myka sa piling ng kaniyang mapanakit at walang trabahong nobyong si James ang isa rito.
Halos limang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang usad dito, gaya na lamang ng pangakong pagbabago ng lalaki upang sa wakas ay makapag simula na silang muli.
Napapagod na rin si Lea na ipagtanggol at patahanin si Myka sa tuwing tumatakbo ito sa bahay niya, umiiyak at puro pasa dahil binugbog na naman sya ng kaniyang nobyo.

At sa tuwing bumabalik ito sa piling niya ay nanggigigil man, wala nang magagawa si Lea dahil ito na ang desisyon ng kaniyaang kaibigan.
Ngunit bakit nga ba?
Bakit kahit halos bawian na siya ng buhay sa lahat ng pananakit na ginagawa nito ay hindi niya pa ring magawang umalis?
Sigurado si Lea na hindi na siya mahal ni James, dahil kaliwa’t kanan na rin naman ang babae nito.

At noong sinubukan niyang paaminin si Myka kung bakit ay hindi siya makapaniwala sa narinig.
Ilang beses na pa lang muntik magkaroon ng anak ang dalawa ngunit palaging nakukunan ang dalaga, kung kaya naman hindi niya maiwan si James dahil na kokonsensya siyang hindi niya ito mabigyan ng anak.
Ipina intindi naman ni Lea na kung hindi maging kayang matino at disenteng tao ni James ay kailan man hindi siya nararapat mabiyayaan ng anak!

Lagi rin siyang binabantaan na sasaktan ang buong pamilya niya kung iiwan niya ito, at hahanapin siya ng binata at kikitilan ng buhay!
At eto na ang huling tulak ni Lea upang manghiimasok sa kanilang relasyon at tumawag ng pulis.
Kailangan nang makalaya ng kaibigan, at makulong ng napaka walang kwentang lalaking iyon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang babaeng napakaganda, napili ang napakawalang kwentang lalaki sa lahat ng kanyang manliligaw! Bakit kaya? appeared first on The Filipino Today.

No comments: