Ginang Na Madalas Pinag-iinitan Ang Kalapati Ng Kapitbahay Nila, Hindi Inaasahang Ito Rin Pala Ang Sasalba Ng Buhay Niya!
Malaki ang galit ni aling Tina sa kapitbahay niya, ang pamilya Pilar, dahil bukod sa maraming miyembro ang mga ito na nagdudulot nang walang humpay na ingay sa kanilang lugar ay napakarami pa ng mga alaga ng mga ito.
Mula sa pusa, aso, manok, baboy, at pati mga kalapati!
Ayos lang naman siya sa mga manok, dahil kahit ang asawa niya ay may mga alagang manok din, ngunit ang hindi niya masikmura ay ang araw-araw na pag dudumi ng mga ibon sa kaniyang bubong, at ang kalampag na dulot nito sa tuwing pinapa lipad ng kanilang bunsong miyembro.

Lagi na niyang inaaway ang magkakapatid tungkol dito, ngunit hanggang ngayon ay ganoon pa rin!
Kung kaya naman natuto na lamang siyang mag tyaga, hanggat hindi na nadudumihan ang kaniyang bubong at hindi na siya napeperwisyo sa ingay ng kanilang pag tuka.
Isang araw, maagang umalis ang asawa ni aling Tina upang magsaka, ng biglang nakaramdam ito ng kakaibang sama ng katawan.

Agad naman niyang ipinag bigay alam sa kaniyang mga Pilar ang kaniyang kapitbahay, at si Imelda, ang ilaw ng tahanan ng pamilya ay agad na rumesponde sa matanda upang makita ang kalagayan nito.
At doon ay nalaman nila sa baka nga inaatake ito ng stroke!
Mabuti at ang panganay na anak nila na nurse ay naka off duty noong ara, at agad nabigyan ng first aid ang ginang, ngunit kailangan pa rin nila ang gamot ng matanda.

At dahil walang selpon ang matatanda aay kailangan nilang paliparin ang kanilang mga kalapati sa lugar ng asawa ni aling Tina, upang ipagbigay alam ang sitwasyon nito at mabilhan agad ng gamot ang asawa, gawa nang mas malapit siya sa bayan.
Sa kabutihang palad ay naagapan ang sitwasyon ni aling Tina at ngayon ay nagpapagaling na lamang ito sa kanilang bahay.
Salamat sa pamilya Pilar, at sa mga kalapating minsan niyang kinamuhian.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Ginang Na Madalas Pinag-iinitan Ang Kalapati Ng Kapitbahay Nila, Hindi Inaasahang Ito Rin Pala Ang Sasalba Ng Buhay Niya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: