Pulubing Inuwi Ng Babae Upang Linisan, Pakainin At Kupkupin, May Kakaiba Pa Lang Katauhan!
Matagal ng nagtatrabaho bilang social worker si Dina.
Simula pa lamang noong bata pa siya ay mulat na siya sa mga charity works, at mayroon din siyang tatlong adoptive siblings na kinupkop ng kaniyang mga magulang mula sa rescue shelter.
Kaya naman malapit si Dina sa mga taong inabuso at may pinagdadaanan, dahil minsan ring naging ganito ang mga kapatid niya na isa sa mga mahahalagang tao sa buhay niya.
Lumipas ang maraming taon ay na destino si Dina sa malayong parte ng bansa, kung saan ipinapag patuloy pa rin niya ang kaniyang adbokasiya at pagtulong sa kapwa.
Doon niya nakilala si Yeng, isang pulubing matagal nang plaaboy-laboy sa kalsada.
Ilang beses na siyang sinubukang kupkupin ng ilang mga soclal workers, ngunit ni isa sa kanila ay walang nagtagumpay.
Dahil kahit anong pilit nila ay bumabalik pa rin sa kalsada si Yeng.

Isang araw, sinubukan siyang kausapin at kaibiganin ni Dina.
Hindi nagtagal ay hindi makapaniwala ang mga katrabaho ng dalaga dahil hindi lang siya kinakausap ng pulubi, pumupunta pa ito mismo ng opisina upang makita lamang siya!
Kung kaya naman hindi nagtagal ay kinupkop na niya ang babae, ngunit sa bahay na niya ito pinatuloy.
Ngunit katagalan ay nagsimula nang magtaka ang dalaga.
Nagsimula na kasing mabawasan ang mga kutsilyo niya sa bahay, pati ang ilang mga matatalim na bagay.
Ultimo ang gunting na madalas niyang ginagamit ay nawawala na rin!
Kung kaya naman nagkaroon na siya ng suspetya na baka tinatago ito ni Yeng, at napag desisyunan niyang dalawin ang kwarto nito at halungkatin ang bag niya.
Labis ang pang lulumo at takot na naramdaman ng dalaga noong makita niya na puno ng matatalim na bagay ang bag nito na puro may dugo! Agad siyang tumawag ng pulis at doon, hindi makapaniwala si Dina sa isang pagkakamaling ginawa niya na muntik magpahamak sa kaniyang buhay.
Nagpatira siya ng isang pasyenteng takas sa mental asylum sa kaniyang bahay!
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Pulubing Inuwi Ng Babae Upang Linisan, Pakainin At Kupkupin, May Kakaiba Pa Lang Katauhan! appeared first on The Filipino Today.





No comments: