Lalaking Kinupkop Ang Magandang Pulubi Sa Lansangan, Labis Ang Gulat Nang Malaman Ang Katotohanan!
Madalas na nakikita ni Jerome ang isang magandang pulubi sa kanilang lugar, kung kaya naman hindi niya maiwasang magtaka kung ano ang nangyari sa buhay nito.
Tahimik lang ito at walang kinakausap madalas, ngunit hindi maikakailang agaw pansin talaga ang napaka among mukha ng dilag kahit halata ang pagka lugmok dahil sa kaniyang kalagayan.
Nakagawian na rin ng lalaki na araw-araw siyang tingnan sa malayo upang masigurado ang kaniyang seguridad, dahil alam niyang maaring matakot ito kapag sinubukan niyang lapiitan nang dalaga upang kausapin.

Ngunit isang gabi, isang nakakapanindig balahibong pangyayari ang nasaksihan ng binata.
Nakita niya ang apat na lasing na lalaking nilapitan ang pulubi, at magtatangkang pagsamantalahan ito!
Hindi naman nagdalawang isip ang binata na ipagtanggol ang dalaga at tumawag ng mga otoridad upang makulong ang mga iito.
Samantala, pinakiusapan niya ang babae na doon muna manatili sa kaniyang bahay ng ilang araw, habang naghahanap siya ng maayos na shelter na maari niyang maging tahanan habang nagsisimula muli.

At sa sobrang takot ay agad nang pumayag ang dalaga.
Sa bahay ni Jerome, agad niyang nilinisan ang babae at sinubukang alamin ang pagkatao nito.
Siya si Grace, 32 taong gulang, at sa kabila ng pagiging palaboy ng dalawang taon ay maayos pa rin ang pag uutak nito.
Noong matapos nang maging malinis si Grace ay lubos ang gulat ni Jerome nang mapagtanto kung sino talaga ang dalaga.

Si Grace ay isang dating sikat na singer! Ang parehas na singer na naaging idol ng kaniyang kapatid noong kabataan nito!
Kwento ni Grace, tinangay ng dati niyang karelasyon ang lahat ng pera at ipon niya mula sa pagtatrabaho sa showbiz, hanggang sa tuluyan siyang na bankrupt at nabaon sa utang.
Dahil doon ay ipinagtabuyan na rin siya ng kaniyang mga magulang at kaibigan, na minsan niya ring tinalikuran para sa lalaki.

Kung kaya naman lubos ang pasasalamat ng dalaga sa tulong ni Jerome, at nangakong susuklian ito sa oras na maka ahon siyang muli.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Lalaking Kinupkop Ang Magandang Pulubi Sa Lansangan, Labis Ang Gulat Nang Malaman Ang Katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: