Misis, nagtataka kung bakit walang naiipon ang mister kahit malaki ang sweldo, nang lumo nang malaman ang katotohanan!
Limang taon na ring kasal si Aya kay Justine.
Kolehiyo pa lamang ay magkasintahan na sila, at nagtagal ng halos pitong taon ang kanilang pagiging magkasintahan bago nila maisipang mag isang dibdib.
Si Aya ay isang nurse, habang doktor naman ang kaniyang asawa.

Masaya ang buhay nila kahit hanggang ngayon ay hindi pa sila binibiyayaan ng anak, dahil para kay Aya, pamilya pa ring maituturing kahit silang dalawa lamang.
Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay may napapansing kakaiba ang misis sa kaniyang asawa.
Kung tutuusin, lagpas isang taon na rin siyang naghihinalang may babae ito, ngunit hindi lamang niya mahuli-huli.

Bukod pa roon ay totoo naman ang sinasabi nito na tutok siya sa duty niya sa ospital, kung kaya naman wala na siyang panahon upang mang babae pa.
Ngunit dahil magka salungat ang shift ng dalawa ay hindi pa rin siya makampante, lalo noong tumigil nang makipaag siping sa kaniya ang asawa.
Dumagdag pa sa pagtataka niya kung paano tila wala na yatang naiipon silang mag asawa, kahit di hammak na napaka laki ng sahod nila, lalo ni Justine!

Kung kaya naman naisipan na niyang mag imbestiga, at doon ay unti-unti niyang napag tagpi-tagpi at nakumpirma ang lahat.
May babae nga ang asawa, ngunit pakiramdam niya ay may iba pang bagay na dapat siyang malaman.
Nang komprontahin niya si Justtine dahil dito ay hindi na nagdalawang isip ang lalaki na mag maang-aangan pa.

Inamin rin niya na kaya halos maubos-ubos ang ipon nila noong nakaraann ay nagdadalang tao pala ang kabit niya at napaka selan pa, dahilan upang kailanganin ang napaka laking halaga ng pera upang masigurado ang kaligtasan ng mag ina.
Labis na gumuho ang mundo ng dalawa, at hind nila lubos maisip na makakapag taksil sa kaniya ang asawa.
Woman Suffering From Depression Sitting On Bed And Crying
Nag alsa balutan siya, dala-dala ang natirang pera mula sa inipon nila at sinuguradong balang araw ay pagdudusahan ng mister ang kataksilang ginawa niya.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Misis, nagtataka kung bakit walang naiipon ang mister kahit malaki ang sweldo, nang lumo nang malaman ang katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: