Batang pinalayas ng may-ari ng bahay dahil sa kahirapan, may kakaibang ganti makalaipas ang maraming taon!
Maagang naulila si David at kaniyang kapatid na si Tony. Ngunit kahit ganoon ay sinigurado naman ng kaniyang mga magulang na lalaki siyang matalino at madiskarte sa buhay.
Kung kaya naman kahit wala na silang mga magulang ay nagagawa pa rin niyang itaguyod ang kapatid, ngunit dahil sa kaniyang kamusmusan ay hindi maiiwasan na talagang kakapusin pa rin siya sa pera.
Nag sunod-sunod ang problema ni David lalo noong pinalayas sila ng kanilang land lady na si Alice.

At ang masakit pa roon ay matagal nang kaibigan ng kaniyang mga magulang si Alice, ngunit walang awa pa rin silang ipinagtabuyan nito kaya naman napunta sila sa lansangan hanggang sa naging palaboy-laboy.
Ilang taon din bago naka ahon muli ang dalawa matapos makahanap ng trabaho si David at naging tapat na tagapag silbi ng isang mayamang negosyante.
Tinuruan siya nito ng lahat ng nalalaman niya tungkol sa pera hanggang sa pinag aral din dahil natuwa siya sa likas na talinong ipinamalas ng binata.

Makalipas ang ilang taon ay nagawa niyang makapag tapos ng pag aaral at makapag umpisa ang sarili niyang negosyo, na naging matagumpay agad!
Ang kapatid naman niyang si Tonyo ay naging masikap din sa pag aaral kung kaya naman agad din itong nakapag tapos.
Maayos na ang pamumuhay ng dalawa, hanggang isang araw ay naisipan ni Tonyo ang ideya na pag bili sa lupa na kinalakihan nila, ang mismong bahay kung saan sila pinalayas dati.
At noong dalawin nila ang lugar ay laking gulat nila noong malaman na baldado na pala si Alice at wala na ring nag aalaga dito.

Walang pag aatubili namang ibinenta ng matanda ang bulok-bulok at lumang apartment na kaniyang pag-aari ngunit imbis palayasin tulad ng ginawa niya sa mga bata noon, ay hindi niya lubos maisip na papatuluyin pa rin siya ng magkapatid sa kanilang lupain.
Pina ayos at pina ganda nila ang apartment at naglaan ng isang kwarto para kay Alice at hindi na pinagbayad ang matanda.
Lubos naman ang pasasalamat niya sa magkapatid, at nanghingi ng patawad sa kaniyang ginawa sa nakaraan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Batang pinalayas ng may-ari ng bahay dahil sa kahirapan, may kakaibang ganti makalaipas ang maraming taon! appeared first on The Filipino Today.

No comments: