Search This Blog

Mga asawang kinupkop ang batang palaboy na inakala nilang pipi, nagulat matapos malaman ang katotohanan!

Matagal nang mag asawa si Philip at Audrey ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Nagkasaya na lamang sila sa pag aalaga ng pusa at aso na nag aaliw sa kanila sa mag hapon, ngunit dama pa rin talaga na may pagkukulan g sa kanilang pag sasama.

Labis na iniiyak gabi-gabi ni Audrey ang katotohanang hirap na hirap siya mag buntis, ngunit madalas namang pinapa alala sa kaniya ng asawa na masaya pa rin naman ang buhay nila kahit silang dalawa lamang.

Hanggang isang araw, nakilala nila ang batang madalas palaboy-laboy sa parke malapit sa kanilang tahanan. Tiinatawag siyang Michi ng kanilang mga kapitbahay, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakaalam sa totong nangyari sa bata at kung bakit ito naging pulubi.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging maamo si Michi kay Audrey, hanggang tuluyan nang napalapit ang mag asawa sa bata.

Napag isipan nilang kupkupin ito at damitan nang maayos, at ipatingin na rin sa doctor upang masiguradong malusog pa rin ang pangangatawan nito.

At doon nila nalaman na hindi pala pipi ang bata.

Ngunit kahit anong gawin ay hindi pa rin nakakapag salita ito, kung kaya naman naisipan na ng mag asawang magsaliksik tungkol sa nakaraann iya.

At doon ay natuklasan nila na pareho palang nabawian ng buhay ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente sa daan.

Kasama mismo siya sa sasakyan ngunit siya lamang ang nakaligtas. Nagdala ng matinding trauma ang karanasan na ito sa bata hanggang sa hindi na niya kinayang magsalita.

Labis namang nahabag ang mag asawa sa tunay na istorya ng buhay ni Michi, at doon ay nangako sila na aalagan nila ang bata at ituturing na para nilang tunay na anak.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mga asawang kinupkop ang batang palaboy na inakala nilang pipi, nagulat matapos malaman ang katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: