Babaeng minasama ang payo ng kaibigan tungkol sa pagbibigay niya ng pera sa nobyo, nagsisi kalaunan!
Wala pang isang taong magkarelasyon ang magkasintahang Ada at Julius ngunit walang duda na humaling na humaling ang dalaga sa kaniyang nobyo.
Bukod kasi sa gwapo at matipuno ay napaka galing rin mag basketball nito! Talaga namang sikat siya sa mga kababaihan sa kanilang lugar, at isa ito sa mga bagay na ikinatutuwa ni Ada.
Kasintahan lang naman niya ang lalaking pinapangarap ng mga kabarkada niya, inggit lang sila!
Maayos na sana kung tutuusin ngunit may isang maliit na problema (para kay Ada) si Julius.

Bukod sa hindi ito nagtapos ng pag aaral ay wala rin itong trabaho.
Wala naman siyang kapansanan o ano man. Kung tutuusin ay galing pa nga sa disenteng pamilya ang binata, na nagturo sa kaniya paano maging tamad!
Kung kaya naman noong nagsimula nang mag reklamo ang kaniyang mga magulang dahil matanda na ito ngunit wala pa rin itong determinasyong mabuhay mag isa!
Ngunit para kay Ada, ayos lang naman ito dahil may trabaho naman siya.

Masakit man sa tainga pakinggan ngunit siya ang nagbibigay ng pera sa binata na ipina pang gastos lamang nito kung saan-saan.
Para kay Ada ay tinutulungan lang naman niya ang binata at tiwala siyang maghahanap na rin ito ng trabaho balang araw.
Hindi niya rin nagustuhan ang ipinayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na hiwalayan na ang binata dahil halata lang naman na hinuhuthutan na lamang siya nito.

Isa-isa niyang nilayuan ang mga kaibigan niya at pinaikot ang mundo kay Julius, na lalong naging salbahe sa katagalan ng kanilang relasyon.
Ngayon ay sinasaktan na siya nito sa tuwing hindi siya nakakapag abot ng pera at nang bababae pa!
Kung kaya naman napag desisyunan niya na tuluyan nang iwan ang binata, dala-dala ang pagsisis sa mga desisyon niya at sa mga ginawa niya sa mga kaibigan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Babaeng minasama ang payo ng kaibigan tungkol sa pagbibigay niya ng pera sa nobyo, nagsisi kalaunan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: