Search This Blog

Isang babae, piniling ipaubaya ang taong pinaka mamahal niya upang maging masaya ang kaniyang nakababatang kapatid

Panganay si Manilyn sa kaniyang nakababatang kapatid na si Marilou.

At dahil ate ay nasanay ito na laging nagbibigay at nagpapaubaya sa bunso, kahit pa ano ang hilingin nito. Bukod pa rito ay siya rin ang tagapag tanggol ni Marilou kahit saan, lalo sa eskwela kung saan minsang nakakaranas ito ng pang bubully at harassment.

Para kay Marilou, super hero niya ang kaniyang ate Manilyn. Buo ang tiwala niya rito at alam niyang hindi siya pababayaan ng dalaga kahit sila ay tumanda na.

Hanggang sa tumuntong na ng college si Manilyn, habang nasa hayskul pa lamang ang bunso. Dun ay nakilala niya si Regie, ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso.

Gwapo at matipuno ang hubog ni Regie, higit pa rito ay matalino at mabait rin ito hindi lang kay Manilyn kung hindi sa buong pamilya ng kaniyang nobya.

Kung kaya naman hindi nakapag tataka na naging crush din ito ni Marilou,ngunit sinikap niya na ilihim ito sa kaniyang ate.

Bukod kasi sa nahihiya siya ay alam niyang mali rin na magka gusto siya sa nobyo ng kaniyang ate, lalo pa’t habang tumatagal ay nagiging sigurado na sila sa isa’t isa.

Natapos ng kolehiyo si Marilou, at magpipitong taon nang magkasintahan si Reggie at kaniyang ate. Hanggang ngayon ay hinahangaan pa rin ni Marilou ang lalaki, ngunit ang pinagkaiba nga lang ay tila lumalalim na ang kaniyang pagtingin dito.

Isang gabi ay naabutan ni Manilyn si Marilou na lasing at umiiyak, at doon na inamin ng nakababatang kapatid ang lahat.

Ilang buwang hindi nagpakita si Manilyn sa kanilang bahay dahil sa takot, pagkabagabag, at higit sa lahat, pagkahati sa pag pili kay Regie o Marilou.

At gaya ng kaniyang nakagawian ay tuluyan niyang iniwan si Regie upang mangibang bansa.

Sobrang wasak ang binata sa ginawa sa kaniya ng kaniyang dating kasintahan, at hindi naman malaman ni Marilou ang gagawin.

Ngunit hindi niya inaksaya ang sakripisyo ng pinaka mamahal niyang ate at sinugurado na aalagaan niya si Regie kagaya ng pagmamahal at pag aalaga na ginawa ng kaniyang ate.

Lumipas ang maraming taon ay tuluyang napasakamay ni Marilou si Reggie, at ikinasal silang dalawa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang babae, piniling ipaubaya ang taong pinaka mamahal niya upang maging masaya ang kaniyang nakababatang kapatid appeared first on The Filipino Today.

No comments: