Guro na laging pinapagalitan ang kaniyang estudyanteng nahuhuli sa klase, nang lumo matapos malaman ang katotohanan
Nasa ika anim na baitang pa lamang si Christian ngunit panay na ang kaniyang pagliban sa klase.
At sa tuwing pumapasok naman ito ay madalas nahuhuli ang bata, o di naman kaya’y hindi matatapos ang araw na hindi siya mahuhuli ng kaniyang striktang guro na si Mrs. Lionel na natutulog sa kaniyang klase.
Kung kaya naman simula pa lamang ay wala nang amor a ng guro sa bata, na minsan ay hindi niya kinakitaan ng tila pagsisikap na maitaguyod ang kaniyang pag aaral.
Madalas din kasing mabababa ang grado ng bata dahil nga sa walang natututunan ito.
Sa tuwing kinakausap din siya ng ginang ay hindi naman sumasagot ang bata, dahilan upang mapikon lamang ang guro sa kaniya.
Kung kaya naman napag pasiyahan na ng ginang na gumawa ng panibagong aksyon bago magbigayan ng huling marka.
Nais niyang makausap ang mga magulang ng bata, upang malaman kung mayroon bang kinalaman ang mga ito sa inaasal ng bata sa eskwela.
Ngunit dahil likas na malihim si Christian ay naisipan na lamang niyang mag imbestiga.
Isang araw ay dahan-dahan niyang sinundan ang kaniyang mag-aaral pauwi, upang sa wakas ay makausap na niya ang mga magulang nito.
Malaki naman ang bahay na inuuwian ni Christian, ngunit pansin ng guro na mukhang napabayaan na ito at puno pa ng dumi kahit sa labas ng mismong lugar.
Nag-antay muna siya ng ilang sandali bago siya kumatok, at isang payat at maputlang babae ang nagbukas ng pinto sa ginang.
Agad na tinanong ni Mrs. Lionel kung siya ang ina ng bata, at labis niyang ikinagulat noong sumagot ito ng oo. Pinatuloy siya ng babae sa loob, at doon ay ipinaliwanag ng nanay ng bata ang katotohanan.
May sakit itong Leukemia, at tanging si Christian na lamang ang nag aalaga rito. Tuwing pag galing sa klase ay wala na siyang oras gumawa ng takdang aralin, dahil agad siyang bumabawi ng pahinga upang makapag puyat sa pag aalaga sa kaniyang ina.
Hindi naman mapigilan ni Mrs. Lionel na mahabag, at nangakong tutulungan niya ang mag-ina sa kanilang sitwasyon.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Guro na laging pinapagalitan ang kaniyang estudyanteng nahuhuli sa klase, nang lumo matapos malaman ang katotohanan appeared first on The Filipino Today.
No comments: