Anak na nagtanim ng sama ng loob sa ina na iniwan siya noong bata pa lamang siya, napa-iyak nang malaman ang totoong dahilan nito
Malaki ang galit ni Este sa kaniyang ina.
At hindi niya ikakaila o minsan man ay ikakahiya iyon.
Hindi lang galit, kundi nanggagalaiti at isinusumpa niya rin ito dahil sa pag iwan sa kaniya noong bata pa lamang siya.
Kung kaya naman kinailangan niyang lumaki sa isang napaka lungkot na tahanan, sa puder ng kaniyang tiyahin na may anim na miyembro nga, ngunit ni minsan ay hindi ipinaraamdam na parte siya ng kanilang pamilya.

Kung nandoon lang sana ang kaniyang ina, hindi siya gabi-gabing iiyak sa pighati at inggit dahil nag iisa na lamang siya sa buhay.
Simula noong pumanaw ang kaniyang ama ay tuluyan nang nakaramdam ng galit sa mundo si Este.

Namulat siya ng walang ina at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang tunay na dahilan kung bakit umalis ito, at kahit ang tiya niya na kapatid mismo ng ina ay hindi nagsalita sa sitwasyon nito.
Kung kaya naman naisipan na niyang hanapin ito upang sa wakas ay makompronta na niya ang ina.
Sa kaniyang pagsasaliksik ay napag alam niya na tatlong taon siya noong tuluyang umalis ang kaniyang ina at hindi na nagpakita pa.

Malakas ang kutob niyang umalis ito para sa ibang lalaki, kung kaya naman noon pa ay inihanda na niya ang sarili na makilala ang kung sino mang bagong pamilya ng ginang.
Nang matunton niya ang matalik na kaibigan ng ina ay doon nabunyag ang katotohanang matagal na hinanap ni Este.

Ayon dito, kailanman ay hindi ginusto ng kaniyang ina na iwan siya, ngunit kinailangan dahil nagkaroon siya ng nakahahawang sakit na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanilang pamilya.
Matapos niyang pumanaw ay nangako ang lahat sa tatay ni Este na hindi nila babanggitin ang nangyari sa kahit anong tao, sa takot ng diskriminasyon, lalo para sa kaniyang anak.
Labis na nanlumo si Este sa katotohanan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Anak na nagtanim ng sama ng loob sa ina na iniwan siya noong bata pa lamang siya, napa-iyak nang malaman ang totoong dahilan nito appeared first on The Filipino Today.

No comments: