Search This Blog

Tatay na pilit pinaghihiwalay ang kaniyang anak at nobyo nito, may nakakagulat na rebelasyon!

Matagal nang magkarelasyon si Rina at si James.

Simula pa lamang ng huling taon nila sa hayskul hanggang sa makapagtapos sila ng kolehiyo ay magkasama na ang dalawa, kung kaya naman hindi na nakapagtataka kung balang araw ay mag papasya na silang magpakasal.

Halos walong taon na riin ang kanilang pag iibigan, at parehas na legal ang kanilang relasyon.

Boto ang pamilya ng isa’t isa para sa kanila, dahil may maayos na silang trabaho at may mga ipon na rin.

Ngunit isang araw, biglang nag bago ang takbo ng relasyon nila mula noong sumama ang pagtrato ng ama ni Rina kay James!

At wala silang ibang maisip na rason dahil dati naman ay tuwang tuwa ang kaniyang ama sa binata.

Ngunit sa isang iglap ay kada makikita niya ito ay binibigyan niya si James ng mga matatalim na tingin, at hindi niya rin ito kinakausap hindi gaya ng dati na niyaya niya pa mismo itong makainuman.

Sa isang iglap, naging tutol ang tatay niyang pakasalan ang lalaking pinakamamahal niya!

Ngunit ni minsan ay hindi sinabi ng kaniyang ama kung bakit, na siya namang ikinagalit ni Rina.

Para sa kaniya, hanggat mahal pa nila ang isa’t isa ay walang dahilan upang hindi nila ituloy ang kanilang pagsisinta.

Isang araw ay nagising na lang ang dalaga sa tadtad na tawag ng nobyo sa kaniya.

Kinakabahan man ay pumayag agad itong makipag kita sa kaniya, na lubos na ikinapang lumo ng dalaga.

Dahil matapos ang lahat, may totoong dahilan pala ang kaniyang ama upang kagaliltan ang lalaki!

Inamin ni James na matagal na siyang nangangaliwa at hindi inaasahang nabuntis na niya ang babae.

Nahuli sila ng kaniyang ama noong minsang sinamahan niya ito na magpa check up, at mula noon ay binabagabag na siya ng konsensya.

Lubos man ang pag hihinagpis ay hindi naman maiwasan ni Rina na magalit sa sarili.

Sana pala ay nakinig na lamang siya sa kaniyang ama.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Tatay na pilit pinaghihiwalay ang kaniyang anak at nobyo nito, may nakakagulat na rebelasyon! appeared first on The Filipino Today.

No comments: