Search This Blog

Batang Pinagtatawanan Dahil Sa Araw-araw Niyang Baon Na Kamote, Nagbigay Ng Hindi Malilimutang Aral Sa Mga Kaklase!

Para kay Juana, isang malaking oportunidad na ang makapag aral sa kabila ng kanilang mahirap sa sitwasyon.

Kung kaya naman kahit kailangan pa niyang maglakad ng napaka layo at magtiis ng gutom ilang beses sa isang araw ay gagawin niya para lamang maitaguyod ang kaniyang edukasyon.

Hindi na rin iniinda ng bata ang madalas na pangungutya sa kaniya ng kaniyang mga kaklase dahil madalas na kamote lamang ang binabaon nito sa araw-araw.

Masakit man para kay Juana ay mas pinipili na lamang niyang huwag pansinin ang mga ito, kahit madalas ay hindi niya mapigilang umiyak dahil sa pang aalipusta sa kaniya ng mga kaklase.

Hindi niya naman kasalanang pabayaan ng mga magulang sa murang edad, at kahit ang tita niyang kumupkop sa kaniya ay minamaltrato din siya.

Hindi naging madali ay naging paglalakbay ni Juanna, at kahit papaano ay nakatungtong din siya ng high school.

Matapos noon ay naisipan niyang mag apply bilang isang staff ng isang fast food, habang itinataguyod ang kaniyang kolehiyo.

Labis namang humahanga ang kaniyang mga katrabaho sa taglay niyang dedikasyon at sipag, kung kaya’t hindi rin nakapag tataka na naging manager siya agad matapos lamang ang ilang buwan ng pag graduate.

Unti-unti ay naging maunlad na rin ang pamumuhay ng dalaga.

Nagtayo na rin siya ng kaniyang negosyo, na lumago at naging matagumpay matapos ang ilang taon.

Hindi naman makapaniwala ang kaniyang mga dating kaklase na ang dating gusgusin na Juanna noon ay isa nang matagumpay na babae ngayon.

Marami sa kanila ang nanghingi ng paumanhin sa dalaga, at mas marami ang humanga sa kaniyang determinasyon sa buhay.

Para kay Juanna, gaano man kahirap ang buhay, palaging mayroong rason para palagi mong piliing magtagumpay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Batang Pinagtatawanan Dahil Sa Araw-araw Niyang Baon Na Kamote, Nagbigay Ng Hindi Malilimutang Aral Sa Mga Kaklase! appeared first on The Filipino Today.

No comments: