Search This Blog

Babaeng Mas Pinili Ang Kaniyang Mayamang Manliligaw Kaysa Sa Mahirap, Pinagsisihan Ang Kaniyang Desisyon!

Isa si Jane sa pinaka magagandang dilag sa kanilang lugar.

Lumaki ang dalaga na napaka raming manliligaw na hindi lang mga gwapo, kundi mayayaman din.

Kung kaya naman hindi na bago na mapaligiran si Jane ng mga lalaking maayos ang estado sa buhay, dahil talaga namang napaka ganda ng dilag at matalino pa.

Ngunit dahil mapag biro ang tadahana ay hindi inaasahan na nahulog ang kaniyang loob sa isang binata na hindi ganoon karangya ang buhay.

 

Si Michael, laki sa hirap, at nag aaral sa pampublikong paaralan upang itaguyod ang kaniyang pag aaral.

Kung tutuusin ay halos magkaparehas lamang ng katayuan sa buhay si Jane at si Michael, nakatatak na sa isip ng dalaga na dapat ay maging wais siya sa kaniyang pagpili ng mapapangasawa dahil nakasalalay diito ang magiging kinabukasan niya.

Nagkaplagayan ng loob ang dalawa, at tuluyan nang niligawan ni Michael ang dalaga.

Ngunit lubos na lamang ang gulat ng binata nang patigilin siya nito, sa kadahilanang mas pipiliin ni Jane ang kaniyang mas mayamang manliligaw na talaga namang makapag bibigay sa kaniya ng magandang buhay.

Sa sobrang hinagpis ni Michael ay ginawa niya ang lahat upang makaalis ng bansa, upang makapag simula ulit.

Samantalang si Jane ay itinuloy ang kaniyang relasyon sa kaniyag naging mayaman na manliligaw.

Ikinasal na rin sila matapos ang ilang taon.

At di gaya ng inaasahan ni Jane ay naging miserable ang kaniyang karanasan sa kaniyang naging asawa.

Madalas siyang saktan nito at pinagkakaitan ng pera.

Samantala si Michael, ay nakapag simula sa America at unti-unting naka angat sa buhay.

Wala man siyang minamahal sa ngayon ay naging masaya rin siya dahil natupad na niya ang kaniyang mga pangarap.

Samantalang si Jane ay araw-araw pinagsisisihan ang kaniyang maling desisyon.a


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Babaeng Mas Pinili Ang Kaniyang Mayamang Manliligaw Kaysa Sa Mahirap, Pinagsisihan Ang Kaniyang Desisyon! appeared first on The Filipino Today.

No comments: