Search This Blog

Babaeng nilait ang manliligaw dahil sa pagiging kargador, pinagsisihan ang kaniyang ginawa matapos ang ilang taon!

Maagang namulat sa kahirapan si JC, dahil isang kahig at isang tuka ang kanilang pamilya.

At kahit ganoon ang sitwasyon ay hindi ito naging hadlang para sa binata upang magsikap at ituloy ang kaniyang pag aaral.

Sa madaling araw ay nagtatrabaho ito bilang isang kargador, at isang mabuting estudyante naman sa umaga hanggang hapon.

At kapag gabi ay paminsan-minsang nag titinda ito ng balut upang masigurado na mayroon siyang sapat na babanunin kinabukasan.

Talaga namang hindi matatawaran ang kasipagan ni JC, dahil sa kabila ng kaniyang pag hihirap ay hindi nito nagawang mag reklamo sa kaniyang sitwasyon at bagkus ay mas pinili na lamang na mag sumikap upang balang araw ay makaranas naman ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya.

At bilang isang binata ay normal para kay JC na magkaroon ng inspirasyon, at ito ay si Haley.

Si Haley ay kaklase ni JC na matagal ang itinatangi ng binata.

Hindi man ganoon kayaman ang dalaga ay hindi ito kasing hirap ng kaniyang kalagayan, kung kaya naman madalas siyang pinagtatawanan ni Haley dahil napaka delusyunal umano ng binata upang gustuhing ligawan siya.

Matatapos na ang dalawa ng hayskul, at araw-araw na naging tampulan ng tukso si JC dahil ipinahiya siya ni Haley matapos malaman na nais siyang ligawan nito.

At kahit ilang beses na siyang inilagay sa kahihiyan ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin ni JC sa dalaga.

Ngunit dahil malinaw na hindi siya gusto nito ay mas pinili na lamang niyang mag aral ng mabuti at ituon ang kaniyang atensyon sa pagkayod.

Matapos nilang makapag tapos ng hayskul ay nag hiwalay na ng landas ang dalawa, at simula noon ay wala ng balita si Haley sa binata.

Makalipas ang ilang taon ay buong gulat niya noong may makasalubungan siyang isang disenteng lalaki at halatang may narating sa buhay.

“Haley, ikaw na ba yan?”

Saglit pang hindi nakilala ng dalaga ang lalaki hanggang unti-unti nitong napag tanto na si JC pala ito!

Hiyag-hiya ang dalaga na harapin ang binata dahil ang dati niyang pinagtatawanan noon, ay magiging boss na pala niya ngayon!

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Babaeng nilait ang manliligaw dahil sa pagiging kargador, pinagsisihan ang kaniyang ginawa matapos ang ilang taon! appeared first on The Filipino Today.

No comments: