Search This Blog

Ama Na Ipinaghukay Ang Anak Ng Sarili Nitong Libingan, Nagpaluha Sa Maraming Tao Sa Social Media!

Maswerte ang mga anak na biniyayaan ng mapag mahal na magulang dahil hindi lahat ay kayang magsakripisyo at ibigay ang kanilang buhay upang matiguyod lamang ang kanilang mga anak.

Isang ama sa China ang nag viral sa social media matapos nitong ipost ang libingan na ginawa niya para sa kaniyang anak na may malubhang sakit.

Ayon sa kaniya ay dalawang buwang sanggol pa lamang umano ang anak niya ay nakitaan na ito ng isang kakaba at malubhang sakit sa dugo, at kinakailangan ng mahabaang pag papagamot.

At dahil hindi naman ganoon kayaman ang buhay ng kanilang pamilya, kung kaya’t matagal na nilang tinanggap na darating ang araw na mawawala din sa kanila ang kanilang pinaka mamahal na unica hiija.

Mahirap man para sa kaniya ay napag desisyunan niyang mag hukay ng lupa para sa magiging himlayan ng kaniyang anak, at ipinost ito sa social media.

Paraan din niya ito upang magbaka sakaling humingi ng tulong sa mga tao, upang kaahit papano ay mapahaba ang buhay ng kaniyag baby.

Madalas din daw umano na maglaro silang mag ama sa mismong hukay upang maging pamilyar sa kaninyang magiging pangalawang tahanan, at humihiga din sila sa hukay upang maramdaman ng anak na hindi siya nag iisa.

Dumurog naman ito sa puso ng libo-libong netizens at agad na dumagsa ang tulong para sa kanilang pamilya, at naipag patuloy ang kaniyang pag papagamot.

Lubos ang pasasalamat ng ama sa mabubuting puso na nag abot ng kanilang pag alalay, dasal, at tulong para sa pag papagamot ng kaniyang anak.

Ayon sa ama, hindi niya inda ang paglunok ng kaniyang dignidad upang makagawa lamang ng paraan upang maisalba ang kaniyang pinaka mamahal na anak at makapiling pa ito nang mas matagal.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Ama Na Ipinaghukay Ang Anak Ng Sarili Nitong Libingan, Nagpaluha Sa Maraming Tao Sa Social Media! appeared first on The Filipino Today.

No comments: