Xian Gaza, may mainit na chika! Bagong boyfriend ni Alodia Gosiengfiao, ibinunyag!
Isang balita na naman mula sa certified marites na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza ang gumulantang sa publiko at sa social media.
Ito ay matapos nitong ibunyag kung sino ang bagong nagpapatibok sa puso ng cosplayer at vlogger na si Alodia Gosiengfiao pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating live-in partner na si Wil Dasovich.
Matatandaang November noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Wil at Alodia na tuluyan nang nagwakas ang kanilang apat na taong relasyon.
Walang sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan kaya naman kung anu-anong espekulasyon ang lumabas. May iilan pa na nagsasabing may third party daw na naganap.
Gayunpaman, marami pa rin ang umasa na magbabalikan ang dalawa dahil sa viral na “sinaing” a “sinayang” posts ng dalawa sa kanilang mga social media.
Ayon sa netizens, tila nagkukulitan at nagpapalitan daw ng mensahe ang dalawa sa pamamagitan ng mga posts na ito.
Ngunit kamakailan lamang nang magulat ang lahat dahil sa balitang ibinahagi ni Xian Gaza.
March 22, 2022 nang mag-post ito sa kanyang Facebook page at sabihing kumpirmado raw na wala nang pag-asa na magbalikan pa ang Wilodia. Binanggit pa nito na masaya siya ngayon para sa cosplayer ngunit hindi niya muna raw papangalanan kung sino ang bago nito.
Saad niya, “Alodia Gosiengfiao Boss A… Happy kami for you. Kahit alam namin wala na ata talagang pag asa ang #WiLodia Di muna namin spluk yung bago mo… Baka mausog pa. Goodnyt!
Pero beke nemen pwede makahingi ng wine. Chariz!”
Samantalang nito lamang March 28, 2022 nang muli siyang mag post kaugnay dito at sinabing ibubunyag na niya kung sino ang bagong lalaki sa buhay ni Alodia.
With video pa raw para may resibo.
“Usto nyo ng video proof ng bagong lover ni anes?! Later Nyt 9PM! See yah!” ani Xian.
Hindi nga nagsisinungaling ang social media presonality dahil pagdating ng alas nuebe noong gabing iyon ay ipinost niya ang isang maikling video kung saan makikitang naglalakad si Alodia kasama ang isang lalaki sa isang event. Tila sweet na sweet ang mga ito at naka-angkla pa ang kamay ni Alodia sa braso ng lalaki.
Sa nasabing post ay itinago ni Xian ang rumored boyfriend ni Alodia sa initial na “CQ”.
Caption nito, “Koya Wil eto na nga pala yung *sinaing mo
Yes Mars legit pa sa legit!! Boss A spotted with her rumored boyfriend CQ. Watch nyo na dali!
*sinayang”
Dugtong pa nito, “Koya Wil Shot Wine Puno. Pulutan Kanin.”
Sa isa pang hiwalay na post, nilagyan niya ng caption na “CEO of Novellino” ang picture ng dalawa.
Dahil sa mga clue na ibinigay ni Xian, napag-alaman ng publiko na ang rumored boyfriend ni Alodia ay related sa isang wine producer company. Cristopher Quimbo raw ang ibig sabihin ng initial na “CQ.” Napag-alaman na ito pala ay isang mayaman na negosyante.
Tinatayang ito raw ay nasa edad 30 hanggang 40. Lumaki ito sa U.S ngunit kasalukuyang naninirahan ngayon sa Pilipinas.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Alodia tungkol sa mga intrigang ito. Gayunpaman, marami na siyang tagahanga na nagpahayag ng kanilang pagsuporta para sa bagong lovelife ni Alodia. Masaya raw ang mga ito na nakamove-on na ang dalaga.
Ano ang masasabi mo sa balitang ito? Share your thoughts!
The post Xian Gaza, may mainit na chika! Bagong boyfriend ni Alodia Gosiengfiao, ibinunyag! appeared first on The Filipino Today.
No comments: