Tunghayan ang Romantic Wedding ng mga Pinoy Celebrities na Ikinasal Ngayong 2021!
Maraming pangyayari ngayong taong 2021. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan natin ay may mga positibong kaganapan pa rin. Kahit pa nasa kalagitnaan tayo ng pandemic, hindi nito napigilan ang mga Pinoy celebrity couples sa pag-iisang dibdib nila. Silipin natin ang mga celebrity couples na ikinasal ngayong 2021!
1. Jessy Mendiola at Luis Manzano
Ginulat na lamang nina Jessy at Luis ang kanilang mga fans matapos ibunyag na kasal na sila. Sa isang private at romantic na ceremony, ipinag-isang dibdib ang dalawa sa Lipa City, Batangas noong February 2021. Nasaksihan ito ng mga malalapit na kapamilya at kaibigan ni Jessy at Luis, na saksi rin sa kanilang pag-iibigan.

2. Ara Mina at Dave Almarinez
June 30 naganap ang mala-fairytale wedding ng aktres na si Ara Mina sa kanyang partner na si Dave Almarinez. Ginanap ito sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel. Ayon kay Ara, ramdam na ramdam niya ang labis labis na pagmamahal at suporta sa kanya ni Dave kahit pa hindi pa sila matagal na magka-relasyon.

3. Angel Locsin at Neil Arce
Matatandaang 2019 nang mag-propose si Neil sa kanyang long-time girlfriend na si Angel. Dahil sa pandemic ay na-delay ang kanilang kasal, ngunit nitong August lamang ay tuluyan nang naganap ito. Sa isang simpleng seremonya na pinasinayaan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ay nagpalitan ng “I do’s” si Angel at Neil.

4. Carla Abellana at Tom Rodriguez
Noong October 23 ay ikinasal ang mga Kapuso stars na sina Carla at Tom. Ginanap ang kanilang kasalan sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas. Ayon kay Carla, isang dream come true para sa kanya ang makasal sa kanyang soul mate matapos ang ilang taon nilang relasyon.

5. Ellen Adarna at Derek Ramsay
Ilang buwan matapos silang magkakilala ay ikinasal sina Ellen at Derek noong November 11. Ginanap ito sa Rancho Bernardo Luxury Villas mountain resort sa Bagac, Bataan. Umattend rin ang mga kapamilya at kaibigan ng dalawa para masaksihan ang romantic na pag-iisang dibdib nila.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Tunghayan ang Romantic Wedding ng mga Pinoy Celebrities na Ikinasal Ngayong 2021! appeared first on The Filipino Today.

No comments: