Search This Blog

Nadine Lustre, Personal Na Nag-Abot ng Tulong sa mga Residente ng Siargao na Nasalanta ng Bagyong Odette

Ilang buwan na ring nakatira sa Siargao ang sikat na aktres na si Nadine Lustre. Noong 2021, napahaba ang staycation ni Nadine, at dito na rin niya nakilala ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou. Dahil dito, hindi maipagkakailang napalapit na ang loob ng aktres sa Siargao.

Kaya naman nang masalanta ang Siargao ng bagyong Odette, isa si Nadine sa mga agad umaksyon. Noong nanalasa ang bagyong Odette ay nasa Quezon City ang aktres, ngunit hindi ito naging hadlang upang tumulong siya sa mga nasalanta. Agad siyang nagpunta ng Siargao upang magpahatid ng tulong.

Sa Twitter, ibinahagi rin ni Nadine sa kanyang mga fans ang kalagayan ng mga residente ngayon sa Siargao. Labis ang pinsala ng bagyong Odette hindi lamang sa linya ng kuryente, kundi maging sa linya ng tubig. Dahil dito, kasalukuyang may blackout at water shortage sa isla kaya naman hirap na hirap ang mga residente.

Nakipag ugnayan si Nadine sa Greenpeace Philippines upang magtayo ng mga solar panels sa isla. Sa pamamagitan nito ay maaaring makapag-charge ng kanilang mga gadgets ang mga residente. Bukod dito, nag-deliver rin sila ng mga relief goods para sa mga nasalanta.

Sa kanyang Instagram update, makikitang kasama ni Nadine ang kanyang boyfriend na si Christophe habang namamahagi ng tulong sa mga residente. Nagbigay sila ng ilang kabang bigas, mga de-lata, at personal hygiene kit.

Sa kabilang banda, maging ang Siargao-based celebrity mom na si Andi Eigenmann ay dumulog rin sa social media upang ipakita ang hagupit ng super typhoon Odette sa kanilang bahay. Ayon kay Andi, nagbigay rin ng tulong ang kanyang fiance na si Philmar Alipayo.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Nadine Lustre, Personal Na Nag-Abot ng Tulong sa mga Residente ng Siargao na Nasalanta ng Bagyong Odette appeared first on The Filipino Today.

No comments: