Lantad na nga ba? Julia Montes at Coco Martin, Huli sa Viral Video na Nag-PDA!
Tuwing sasapit ang pasko, nakaugalian na ng TV network na ABS-CBN na gumawa ng kanilang christmas special. At kahit pa magdadalawang-taon na rin itong wala sa ere, ngayong 2021 ay tuloy pa rin ang kanilang nakagawian. Sa espesyal na okasyong ito ay nakilahok rin ang iba’t-ibang talents at celebrities ng Kapamilya network.

Maraming artista ang namataang naghahanda para sa ABS-CBN christmas special. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng pulang dress, na siyang tema ngayong taon. Kabilang na sa mga artistang na-ispatan sa event na ito ay ang rumored celebrity couple na sina Julia Montes at Coco Martin.

Sa isang video, makikita ang mga exclusive behind the scenes para sa ABS-CBN Christmas Special 2021. Kapansin-pansin na magkasama si Julia at ang kanyang rumored boyfriend na si Coco. Habang kasabay na naglalakad ang ibang artista, makikitang magkaholding hands pa si Coco at Julia.
Agad namang nag-viral sa social media ang video na ito. Hindi mapigilang kiligin ng mga CocoJul fans, lalo pa’t bihira lamang magkasama sa publiko ang dalawa. Hindi naman ito ang unang beses na namataang sweet si Julia at Coco.

Matatandaang ngayong taon lamang ay namataang magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Boracay. Bukod pa dito, nakita rin sila ng mga fans na magka akbay habang nasa isang exclusive store. Madalas rin silang mag-jogging magkasama sa loob ng kanilang village.

Ilang taon na ring napapabalita ang relasyon ni Coco at Julia, ngunit hanggang ngayon ay mas pinili nilang maging low key. Ayon sa aktres, hindi naman kailangang maging lantad ang relasyon nila sa publiko. Sa katunayan, mas preferred pa daw ng dalawa na gawing pribado lamang ang kanilang love life upang hindi sila pagpyestahan sa social media.
@kristofervengco#abscbnchristmasspecial2021 #kathniel #donbelle #sethdrea #cocojul
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Lantad na nga ba? Julia Montes at Coco Martin, Huli sa Viral Video na Nag-PDA! appeared first on The Filipino Today.

No comments: