Janine Gutierrez, Bakit Kaya Gustong Regaluhan ng Trip to Siargao si Jake Ejercito?
Kamakailan lang ay nag-guest ang aktres na si Janine Gutierrez sa morning talk show na “Magandang Buhay.” Ayon sa host na si Jolina Magdangal, nabalitaan nilang nakaugalian na ni Janine na mag-regalo sa kanyang mga co-stars sa pelikula at programa. Kaya naman tinanong nila si Janine kung anong regalo nito sa co-star na si Jake Ejercito.
Matapos maka-tambal sa pelikula, naging malapit na magkaibigan rin si Janine at Jake. Kaya naman nang tanungin siya kung ano ireregalo niya dito, alam na agad ng aktres kung ano ang magpapasaya dito. Ayon kay Janine, reregaluhan niya si Jake ng trip to Siargao.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sa Siargao ngayon nakatira ang anak ni Jake na si Ellie Ejercito. Kaya naman nakasisigurado daw si Janine na ito ang happy place ng kanyang co-star. Nakikita niya rin daw kung gaano kabuting ama ito sa kanyang unica hija.
“Siguro ano rin, trip, pero to Siargao naman kasi ang Siargao naman ang happy place ni Jake, kasi nandun si Ellie, diba? So nakita ko talaga kung gaano siya kabuting dad and super loving, so yun, trip to Siargao na sana kasama kami, di ba?”

Kasalukuyang nagko-co parent si Jake sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann. At dahil nakatira sa Siargao si Andi kasama ang bagong fiance at mga anak nito, kadalasan ay nasa Siargao rin si Ellie. Paminsan-minsan lamang itong umuuwi sa Manila.

At noong pandemic, matatandaang halos isang taon ring hindi nagkita ang mag-ama. Ayon kay Jake, dahil sa safety issues at restrictions, ilang buwan rin silang hindi nagkita ng kanyang unica hija. Kaya naman napakahirap rin ng panahong ito para sa kanilang dalawa.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Janine Gutierrez, Bakit Kaya Gustong Regaluhan ng Trip to Siargao si Jake Ejercito? appeared first on The Filipino Today.

No comments: