Kylie Padilla, gusto na lamang mangyari ang bagay na ito matapos nilang maghiwalay ni Aljur
Patuloy ang mga pasabog sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Kamakailan lang, nanawagan si Aljur sa kanyang misis upang isiwalat sa publiko ang di umano’y pangangaliwa nito. Ayon kay Aljur, si Kylie ang naunang magloko kung kaya’t tuluyang nasira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
July 2021 pa nang pumutok ang balita ng hiwalayan ng dalawa matapos magsalita si Robin Padilla sa interview. Ngunit ayon kay Aljur, one-sided lamang ang istorya na ibinahagi nito. Dahil salungat sa inaakala ng publiko, hindi si Aljur ang nagkaroon ng third party. Inudyok niya rin si Kylie na magsabi ng totoo.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain. Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not our family. The people deserves to know,” pahayag ni Aljur.
Ngunit matapos ang pahayag na ito ni Aljur ay hindi pa nagri-release ng official statement si Kylie. Sa halip ay nag-post lamang ito ng mga parinig at pahapyaw sa social media. Naging usap-usapan ang post nito sa Twitter, kung saan nag-share siya ng #passdivorcebill.

Hirit naman ng mga netizens, imbes na magpasaring si Kylie, dapat ay sagutin na lang nito ang mga alegasyon ni Aljur. Dahil mas lalo lamang lumalala ang isyu kung tinatago ni Kylie ang totoong pangyayari. Sa kabilang banda, isang showbiz insider din ang nagsiwalat na di umano’y nahuli ni Aljur si Kylie na may kasamang iba!
Sa kasalukuyan ay hindi na nagsasama sa iisang bubong ang dalawa. Ayon kay Aljur, may bago na ring kinakasama ngayon si Kylie, ngunit ang pinapalabas nito sa social media ay siya ang biktima. Si Aljur naman ay na-link sa kanyang “Nerisa” co-star na si AJ Raval.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Kylie Padilla, gusto na lamang mangyari ang bagay na ito matapos nilang maghiwalay ni Aljur appeared first on The Filipino Today.

No comments: