Search This Blog

Isang sikat na artista, ipinakita na sa publiko ang kanyang baby na hindi alam ng marami

Masayang ibinalita ng dating aktres na si Jewel Mische na nakapanganak na siya. Noong November 4, masayang ibinagi ni Jewel na isinilang na niya ang pangatlong anak nila ng kanyang foreigner na mister na si Alister Kurzer. Labis ang tuwa ng dalawa matapos masilayan ang kanilang anak na pinangalanan nilang Yzbel Quinn.

Ibinahagi ni Jewel ang kauna-unahang larawan ng kanilang baby girl sa Instagram. Ayon sa celebrity mom, kamukhang-kamukha ng kanilang bunso ang dalawa pa nilang anak ni Alister. Hindi nilinaw ng aktres kung via normal delivery o c-section ang kanyang panganganak, ngunit sa kabutihang palad ay ligtas naman sila ng kanyang baby.

“Our third princess has graced us with her presence and her name is Yzbel Quinn. A full head of dark hair, doe-eyes, full lips and a perfect mix of his big sisters. Grateful that IF another girl, every prayer was answered and more!”

“My heart, yet again, had grown a million sizes in one instance —Yzbel is definitely handpicked by the Lord and I can’t imagine life without her now. I shake my head in amazement… I’m falling more in love with The Planner, The One whose ways are ultimately best… and that’s the greatest gift of all!”

Sa kabilang banda, matatandaang noong September lamang ng ibahagi ni Jewel na nagdadalang-tao siya. Inulan ng iba’t-ibang komento ang post ni Jewel sa Instagram, kung saan ibinahagi niya na ilang linggo na lang ay masisilayan na nila ang kanilang pangatlong anak.

Ibinahagi niya rin ang larawan ng kanyang baby bump. Nang inanunsyo niya sa social media ito, nasa ika-35 na linggo na siya ng pagbubuntis. Isang buwan na lamang at maaari na siyang manganak!

Ano ang masasabi mo dito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karansan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Isang sikat na artista, ipinakita na sa publiko ang kanyang baby na hindi alam ng marami appeared first on The Filipino Today.

No comments: