Search This Blog

Sino kaya itong sikat na artistang sinasabing gaganap na Valentina sa gaganaping palabas na Darna?

Isa sa mga inaabangang palabas ngayon ay ang upcoming series na “Darna.” Matapos ang ilang taon na paghihintay, sa wakas ay maisasakatuparan na rin ang teleseryeng ito. Matatandaang halos dalawang taon rin itong nadelayed dahil sa iba’t-ibang issues, gaya ng pagbabago ng lead actress at dahil na rin sa pandemic.

Kamakailan lang ay inanunsyo ng Kapamilya network na si Jane de Leon ang magbibigay buhay sa Pinay superheroine na ito. Sa ilang Kapamilya actress na nag audition, ang dating “Pinoy Big Brother” housemate ang napiling gumanap sa role ni Darna. Excited naman si Jane para dito, at labis niya raw pinaghandaan ang once-in-a-lifetime role na ito.

Makakatambal ni Jane si Joshua Garcia. Makakasama rin nila ang mga naglalakihang pangalan sa showbiz gaya ni Iza Calzado, Zaijan Jaranilla, Rio Locsin, Kiko Estrada, Simon Ibarra, at marami pang iba. Ayon sa production staff, November 2021 magsisimula ang taping para sa teleserye.

Ngunit sa ngayon ay wala pang napipili para sa role ni Valentina, ang mortal enemy ni Darna. Kamakailan lang, sa isang interview ay tinanong ng mga reporters kung may balak bang mag audition ang beauty queen turned actress na si Ariella Arida.

Ayon sa mga reporters, bagay kay Ariella ang role na ito, lalo pa’t fierce at powerful si Valentina, bagay na kitang kita rin sa personality ng beauty queen. Natuwa naman si Ariella dahil sa suggestion na ito, at nagpahiwatig ito na maaari siyang mag audition para sa role ni Valentina.

“Oh my gosh! Kinilig ako. Hahaha! My god, sana nga po, ipagdasal po natin. Salamat, naisip niyo. Salamat po sa tanong, nagbigay ‘yan ng idea,” dagdag pa ng Miss Universe 2013 beauty queen.

Anong masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Sino kaya itong sikat na artistang sinasabing gaganap na Valentina sa gaganaping palabas na Darna? appeared first on The Filipino Today.

No comments: