Search This Blog

Janella Salvador at Markus Patterson, Ipinasilip ang Bonggang 1st Birthday Party ni Baby Jude!

Talagang napakabilis ng panahon! Parang kailan lang ng ibunyag sa publiko ng aktres na si Janella Salvador ang kanyang pagbubuntis. Sa ngayon, sino nga bang mag-aakalang isang taon na si baby Jude Trevor? Isinilang ni Janella ang kanyang napakacute na baby boy noong October 2020 sa United Kingdom, kasama ang kanyang boyfriend na si Markus Patterson.

At bilang first-born son ni Janella, bongga rin ang birthday celebration ni Baby Jude. Pinaghandaan ito ni Janella at ng kanyang pamilya. Kaya naman nitong nakaraang Miyerkules, October 20, 2021 ay ipinagdiwang nila ang birthday celebration nito, na may theme na inspired mula sa animated film na “Boss Baby.”

Ibinahagi rin ni Janella at Markus ang larawan ng espesyal na araw na ito. Sa Instagram, proud na ipinost ng Kapamilya actress ang portrait ng kanyang birthday boy. Makikitang angkop ang outfit nito sa theme ng kanyang birthday, at talagang naka-suit pa si Jude! Sa isang larawan, makikitang nag-joyride naman siya sa ‘Ferrari’ kasama ang kanyang stuffed toy.

Maging si Markus ay hindi makapaniwalang isang taong gulang na ang kanilang anak. Nag-dedicate din siya ng nakakaantig na mensahe para sa kanilang unico hijo. Kasabay nito ay nag-post siya ng video na nakita niya si Jude sa kauna-unahang pagkakataon.

“Blows my mind that this year has gone by so quickly, what a journey it’s been not just for us but the whole world. Happy birthday, my son, my boy, my pride and joy,” ito ang nakakaantig na mensahe ni Markus sa Instagram. Sa video, makikitang labis ang saya ni Marcus nang masilayan niya ang kanyang anak sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa kabilang banda, maraming netizens at celebrities rin ang nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni Baby Jude. Kabilang na sa kanila si Erich Gonzales, na personal na umattend sa birthday party celebration. Sa social media naman, inulan rin ng birthday greetings para sa napakacute na anak ni Janella at Marcus.

Kabilang na sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Anne Curtis Smith, Mutya Orquia, Alex Gonzaga, Miko Raval, Melai Cantiveros, Jane Oineza, Michelle Vito, Cheska Garcia, Alex Godinez, Dra. Vicki Belo, at marami pang iba!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Janella Salvador at Markus Patterson, Ipinasilip ang Bonggang 1st Birthday Party ni Baby Jude! appeared first on The Filipino Today.

No comments: