Hinusgahan Niya ang Manliligaw ng Kanyang Anak Dahil Janitor lang ang Ama Nito, Ngunit Nagulat Siya ng Makilala ito!
Natural na sa mga tatay ang maging protective sa kanilang mga anak na babae. Kaya naman bantay-sarado nila ang kanilang mga anak na dalaga. Pagdating ng tamang panahon, kinikilatis rin nila ang mga lalaking manliligaw at nagtatangkang bumihag sa puso ng kanilang anak.
Si Luis at Amelia ay mayroong dalagang anak na nagngangalang Diana. Dahil siya lamang ang nag-iisang anak ng mag-asawa, ibinuhos nila kay Diana ang pagmamahal at suporta nila. Nais rin nilang magtapos muna si Diana ng pag-aaral, dahil ito rin ang magiging tagapagmana ng kanilang negosyo.

Ngunit hindi napigil ang puso ni Diana. Itinago niya sa kanyang mga magulang na mayroon siyang nobyo na si John. Hindi niya muna ito ipinakilala sa kanyang mga magulang dahil natatakot siyang husgahan nila ang kanyang nobyo. Ngunit nang mag-propose si John, ipinakilala na ni Diana ito sa kanyang mga magulang.
Noong una ay labis na nadismaya ang mag-asawa matapos marinig na itinago ni Diana ang kanyang nobyo sa kanila. Nalaman rin nila na isang janitor lamang ang trabaho ng ama ni John, bagay na ikinagulat ni Luis. Sa kabila nito, ipinahayag ni John na marangal ang trabaho ng kanyang ama kaya’t hindi niya ito kinakahiya.

Isang araw ay pumasok si Luis sa kanilang office, at nakasalubong niya ang matandang janitor na ilang taon na ring nagta-trabaho sa kanila. Ipinahayag niya na malapit na ikasal ang kanyang anak, at laking gulat niya ng sabihin ng janitor na ikakasal na rin ang anak nito! Doon lang napagtanto ni Luis na ang janitor pala ang ama ni John.

Nadismaya rin si Luis sa kanyang sarili, dahil agad niyang hinusgahan si John at ang pamilya nito. Aminado siya na ang ama ni John ang isa sa mga pinakamasipag niyang empleyado. Bukod dito ay matapat rin ito, kaya naman alam niyang maayos na pamilya ang kinalakihan ng mapapangasawa ng kanyang anak.
Kaya naman nang muli niyang makaharap si John, humingi siya ng tawad dito dahil hinusgahan niya ang pamilya nito. Masaya rin silang nagkausap ng kanyang balae. Sino nga bang mag-aakalang ang janitor na nakakasalubong niya lang dati ay magiging parte na rin ng pamilya niya ngayon?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.
The post Hinusgahan Niya ang Manliligaw ng Kanyang Anak Dahil Janitor lang ang Ama Nito, Ngunit Nagulat Siya ng Makilala ito! appeared first on The Filipino Today.

No comments: