Cassy Legaspi, sinabi ang bagay na ito tungkol sa kanyang kapatid na si Mavy Legaspi at Kyline Alcantara
Umani ng iba’t-ibang mga komento at rekasyon ang komento ng anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy, sa Instagram post ng kaniyang kambal. Marami ang natawa at kinilig dahil sa simpleng komento na ito, na maaaring kumpirmasyon ‘di umano ng kanilang mga hinala.
Ang nasabing Instagram post ay naglalaman ng larawan ni Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Nasa harap ng dalampasigan ang dalawa habang nagtititigan. Ang litratong ito ay kuha sa Sorsogon, kung saan ginaganap ang kanilang proyekto.
“To an island where we’ll meet,” saad ni Mavy sa kaniyang Instagram post, at dinagdagan pa ng hashtag na ‘#ILeftMyHeartInSorsogon’- title ng nasabing proyekto ng dalawa.
Sa post pa lang na ito ay marami na ang kinilig, dahil ‘di umano sa chemistry ng tambalan nila. Ngunit, mas tumindi ang nararamdaman ng kanilang mga taga-suporta dahil sa komento ni Cassy sa post na ito.
“’Yung hanggang dito, third wheel ka parin…” saad ng dalaga sa kaniyang komento.
Maraming mga fans ang natuwa, sapagkat tila isang kumpirmasyon na ang komentong iyon na may namamagitan nga kina Kyline at Mavy.
Bali-balita nitong mga nakaraang buwan na magkarelasyon ang dalawang ito dahil sa kanilang mga makahulugang mga post sa Instagram man, o iba pang social media platform. Tumindi pa ito nang magkaroon ng interaksyon sina Mavy, Kyline at Darren Espanto.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na may malaking paghanga si Kyline kay Darren, kaya’t noong nagtambal ang mga ito para sa shooting ng isang music video ay labis-labis ang tuwa ng mga fans dahil wari ay binabakuran ni Mavy ang dalaga.
Bukod pa rito, pinakilala ni Mavy sa kaniyang ina si Kyline sa isang Instagram Live. Nguni tang inaasahang simpleng pakilala ay nauwi sa pagsabi ng aktor na mayroon siyang paghanga sa nasabing dalaga.
“Hi Ma, crush ko pala,” ani ni Mavy.
Ngunit ang tanong ng kanilang mga taga-hanga, hanggang crush nga lang baa ng namamagitan sa dalawa?
The post Cassy Legaspi, sinabi ang bagay na ito tungkol sa kanyang kapatid na si Mavy Legaspi at Kyline Alcantara appeared first on The Filipino Today.
No comments: