Mag amang pulubi na inaalipusta ng mga tao, ginulat ang lahat matapos yumaman nang isang iglap
Sa buhay, hindi natin inaasahan ang mga pagsubok na ating kakaharapin. Marami rito ay tila ba isang dagok na hindi na natin kayang malampasan. Ngunit, ang paghihirap ay hindi rasonp upang maging isang masamang tao.
Si Nestor ay isang pamilyadong tao. Maayos ang kaniyang pamumuhay kasama ng kaniyang asawa at anak na si Neil. Bagaman sakto lamang para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ang kaniyang sinasahod sa pagiging security guard, Rnananatiling masaya at kuntento si Nestor sa kaniyang katayuan sa buhay.
Subalit, sa isang iglap ay tila naguho ang masayang pamumuhay ni Nestor. Nagkasakit ang kaniyang misis at simula noon ay kinailangan nang maiconfine nito. At kahit pa halos ubusin na ni Nestor ang kaniyang mga ipon para maipagamot ang asawa ay patuloy na humihina ang pangangatawan nito, hanggang sa tuluyan na ngang bawian ito ng buhay.
“Mahal, bakit mo naman kami agad iniwan ng anak mo? Paano na ang pangarap natin na binubuo magkasama?” Tanong niya sa puntod nito, nang ito ay malibing.
Dahil sa kawalan ng taong mag-aalaga sa kaniyang anak ay napagpasiyahan ni Nestor na lumiban muna sa trabaho dahil hindi niya rin kayang magtrabaho habang dinadamdam ang pagkawala ng kaniyang kabiyak.
Ang pagliban ni Nestor sa kaniyang trabaho ay ang naging dahilan ng pagkasisante niya sa trabaho. At dahil sa naubos niya ang kaniyang mga ipon, walang pera si Nestor upang pambayad ng kanilang bahay kaya’t sila rin ay pinalayas ng kanilang landlady. Dahil dito, napilitan silang maging palaboy ng kaniyang anak na si Neil.
Isang araw, nang sila ay naglalakad ng kaniyang anak para makahanap ng kanilang makakain, nakarinig si Nestor ng isang dayuhan na nangangailangan ng kaniyang tulong, dahil ito ay pinagtutulungan ng dalawang kababayan.
Dahil sa pagiging security guard noon, malaki ang pangangatawan, matagumpay niyang napaalis ang dalawang kababayan na nagbabanta sa buhay ng dayuhan. Nagpasalamat ang dayuhan kay Nestor at nangako na babawi ito sa kaniya pagbalik mula sa Amerika. Ngumiti lamang si Nestor sa pangako nito dahil hindi siya umaasa na tutuparin ito ng dayuhan.
Ngunit isang araw, nagulat na lamang si Nestor nang makita niyang muli ang dayuhang tinulungan at binigyan siya nito ng bahay, lupa at isang maletang naglalaman ng maraming pera. Ayaw pa ito tanggapin ni Nestor nung una, ngunit pinilit siya nito dahil bilang pasasalamat sa pagtatanggol sa kaniyang buhay.
Ipinaliwanag ng dayuhan na wala nang mas importante pa sa kaniyang buhay at mas mahalaga ang pagiging makatao na ipinakita ni Nestor kaysa sa kahit ano mang kayamanan.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Mag amang pulubi na inaalipusta ng mga tao, ginulat ang lahat matapos yumaman nang isang iglap appeared first on The Filipino Today.
No comments: