Isang Surrogate Mom na nagpa DNA test sa kaniyang anak, nagimbal sa lumabas na resulta
Si Jessica Allen ay nakapag silang na ng dalawang anak, kung kaya naman masasabi na nalagpasan na niya ang isa sa pinaka malaking pagsubok ng pagiging babae.
At dahil natural na mapagmahal sa mga bata ang ginang, napili siya ng isang Chinese couple na maging isag surrogate mother upang makamit nila ang matagal na nilang pangarap na pamilya.
Kung kaya naman hindi na nag dalawang isip si Jessica na pumayag, dahil alam niya kung gaano kahalaga para sa babaeng gustung-gustong maging ina ang mabiyayaan ng anak.
Matapos ang matagal na proseso ng preparasyon, sa wakas ay handa na si Jessica na maging tahanan ng bata sa loob ng siyam na buwan.
Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pag bubuntis ay nagimbal ang lahat matapos niyang malaman na hindi lang isa, kung hindi kambal pala ang dinadala niya!
Kung kaya naman dahil dito ay nadagdagan ang allowance niya bilang isang surrogate, at mas naging maingat pa dahil naging mas maselan ang pag bubuntis niya.
Pag tapos manganak ay doon na nag umpisa ang mga kahina-hinalang inaasal ng mga doktor na nagpa bahala kay Jessica.
Matapos kasi ilabas ni Jessica ang kambal ay ni hindi niya man lang nasilayan ang mga ito, kabaliktaran sa nakasaad sa kontrata na pinirmahan niya na dapat ay makakasama niya ng isang oras ang dalawa.
Bukod pa roon ay hindi naman magkamukha ang sinasabing “identical twins” ng mga doktor!
Ngunit hinayaan lang ito ni Jessica, hanggang sa ang mismong nanay na ang kumontak sa kaniya upang tanungin siya kung napapansin niya rin ba ang malayong itsura ng dalawang kambal.
At matapos ang pagkekwestyon ay naisipan na nilang magpa -DNA test, at doon nila nalaman na ang isa sa mga kambal ay hindi pala anak ng mga Chinese, kung hindi anak ni Jessica at ng asawa niya!
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Surrogate Mom na nagpa DNA test sa kaniyang anak, nagimbal sa lumabas na resulta appeared first on The Filipino Today.
No comments: