Search This Blog

Batang babeng inakusahan ng isang taxi driver ng masama, may nakakagulat na katauhan pala

“Kuya, Taguig po?” tanong ni Maica pagkatigil ng taxi sa kanyang harap. Tumango naman ang taxi driver bilang pagsang ayon.

Mag-aalas dose ng hating gabi ng masipan niyang lumayo muna sa kanlang tahanan. Maulan sa araw na iyon, tanging black na hoodie ang tanging pansalaba niya sa oatak ng ulan.

Habang nasa byahe ay tahimik lamang ito sa tabi ng bintana. Maya-maya ay kinuha nito ang earphones sa likurang bulsa upang makapakinig ng kanta.Sa harap ay ang taxi driver na hindi maipirmi ang mata sa daan sa kakasulyap kay Maica. Sa kabilang pagiging tahimik sa byahe ay napansin pa rin nito ang palagiang pagtingin ng driver kaya inayos nito ang kanyang hoodie, sapat upang hindi makita ng husto ang kanyang mukha.

“Papunta ako sa Taguig..” kalmadong sagot ng driver sa kausap nito sa cellphone.

Nang mapansin ni Maica na malapit na ay agad itong umayos ng upo at nag-ayos ng sarili. Agad din nitong inilagay ang cellphone at earphones sa bulsa dahilan para mapalinogn ulit ang driver. Pagkabalik ng mata sa daan ay biglang lumiko at kalauna’y huminto.

Sa pagtigil ng sasakyan ay agad na lumapit ang dalawang pulis at kinausap ang taxi driver. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay si Maica naman ang nilapitan at inimbithan na lumabas para kausapin. Kahit na puno ng pag-aalinlangan at pagtataka ay lumabas pa rin ito para makausap ng dalawang pulis.

Pagkalabas na pagkalabas ay hiningian siya agad ng Id na mabilis din naman itong ipinakita. Matapos makumpirma na si Maica nga ang nasa ID ay sinabi na ng pulis kung ano ba talaga ang kanilang pakay sa kanya.

“Habang nasa byahe ay may ginawa ka bang kakaibang bagay?” pagpapaikot na tanong ng pulis.

” Wala po, bakit?” sagot nito.

“Pwede mo bang itaas ang iyong kamay at titignan namin kung totoo nga ang iyong sinabi.” paliwanag ng pulis naagad namang sinunod ni Maica.

Matapos kapkapan ay wala namang nakuha na kahit ano mula sa kanya. Natapos ang pagsisiyasat, kausap na muli ng mga pulis ang driver at sinabing wala namang kinuha o ginawa si Maica. Humingi ng pasesya ang driver ngunit habang nagsasalita ay may kausap na si Maicasa cellphone

“Someone accused me..” seryoso at matapang nitong sabi.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang tatay nito. Habang kinakausap ang mga pulis ay agad nagbago ang ekspresyon sa mukha ng driver, tanging takot na lang ang makikita rito. Ang driver at tatay ni Maica ay mortal na magkaaway na pala simula pa noon at nagkataong mayaman sila Maica. Alam ng driver iyon kaya ganun na lamang ang takot niya ng makita ang ama ng batang babae na pinagbintngan niya.

“Ikaw na, naman? HIndi ka na nadala!” maangas na panimula ng ama ni Maica ng makita ang driver.

Matapos ang diskusyo at napagpasyahan ng kabilang panig na magdemanda. Hindi na nakahingi ng paumanhin at patawad ang taxi driver sa kadahilanang alam niyang wala rin namang mangyayari.

Maling-mali ang magbintang sa kapwa ng walang sapat na ebidensya. Mabuting kausapin ng ayos at linawin ang problema sa isa’t-isa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Batang babeng inakusahan ng isang taxi driver ng masama, may nakakagulat na katauhan pala appeared first on The Filipino Today.

No comments: