Search This Blog

Anak ng businessman na binasted ang manliligaw dahil mahirap ito, natuto ng malagang leksyon

Si Fernando ay sikat sa kanilang unibersidad dahil sa kagalingan nitong maglaro ng basketball. Kilala rin ito bilang isang may kaya sa pamumuhay ngunit ni isa sa kanilang ka eskwela ay hindi pa nakabibisita sa kanilang tahanan.

Lunch break noon at napagdesisyunan ng mga ka eskwela ni Fernando na maglaro ng basketball. Sa lugar na kanilang paglalaruan ay nakaupo ang ibang mga babae at isa na rito si Rita, anak ng kilalang negosyante sa bayan. Kilala si Rita bilang isang mahinhin, mabait at matalinong dalaga sa kanilang unibersidad sa kabila ng estado nito sa buhay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang kanilang paningin. Ang seryosong paglalaro ni Fernando ay nagmistulang kalat sa loob ng court dahil sa distraksyon kay Rita. Matapos ng insidente ay nagsimula na si Ferdinand na suyuin ang dalaga. segundo, minuto, oras at araw-araw nitong tyinatyaga si Rita.

Makalipas ang isang buwan ay napa oo na nito ang dalaga. Ani Rita sa kanyang isipan ay halos wala na namang kulang kay Fernando upang hindi niya sagutin. Masigasig, matipuno, magaling maglaro at nakakaangat sa buhay. ngunit isang pangyayari ang babago sa takbo ng isatorya ng kanilang pagmamahalan.

” Babe, mauna ka na may daraanan pa ako bago umuwi ng bahay” sabi nito sa nobya pagkatapos nilang kumain sa labas.

Sa halos isang buwan nilang pagiging mag nobyo at nobya ay hindi pa nasisislayan ni Rita ang pamilya ni Fernando na naging dahilan upang palihim na sundan ito. pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan ay sinabihan agad nito ang driver na palihim na sundan ang nobyo at ginawa nga ito.

patagal nang patagal ay mababakas ang pagtataka sa mukha ni Rita sa kadahilanang ang nobyo ay pumasok sa isang maliit at medyo magulong tahanan, nasulyapan nito ang pagmamano ng nobyo sa hindi katandaang babae.

Lumabas si Riita sa kanilang sasakyan at agad na dumiretso sa tahanang pinasukan ng nobyo. Nabigla si Fernando nang makita si Rita na papalapit sa kanyaat mababakas ang pagkagalit sa mukha.

“Magpapapliwanag ako..” panimula ni Fernando.

“Wala kang dapat ipagpaliwanag pa. Tapos na tayo” sagot ng nobya at sabay umalis sa harapan ni Fernando.

Ang kilalang mabait na dalaga sa unibersidad ay may tinatago rin pa lang kasamaan, mapanghusga.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Anak ng businessman na binasted ang manliligaw dahil mahirap ito, natuto ng malagang leksyon appeared first on The Filipino Today.

No comments: